Nag-viral sa social media ang video ng isang batang patakbong lumalabas mula sa isang nasusunog na gusali sa Kolambugan, Lanao del Norte.
Kitang-kita sa video ang malakas na apoy at makapal na usok at ang biglaang pagtakbo palabas ng bata mula sa gilid ng gusali.
Agad namang sinaklolohan ng ilang residente ang bata na tila naguguluhan sa nangyayari.
Tila nalilito ito at balak pang tumakbo pabalik sa gusali.
Ayon sa report, ang bata raw ay anak ng negosyante na nangungupahan sa nasunog na gusali.
Wala naman umanong naiulat na nasaktan sa insidente.
Mabilis na nag-viral ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“I was there po. And yes confirmed. Galing sa loob ang bata, anak ng tenant. Thank God nakalabas sya. Dami pong establishments nadamay dyan.”
“Thank you Lord for protecting the child..”
“May sunog pero cellphone ang hawak para mag video wala man lang tumulong para kumuha ng tubig at apulahin ang apoy.”
“Salamat nakalabas ang bata. Thank you Lord.”
“Kaniya kaniyang balde ng tubig sana. Iyong mga neighbors nagpalabas sana ng tubig na may hose.”
“Dati pag may bahay na nasusunog takbuhan ang mga tao para tumulong, kanya kanyang dala ng balde o timba na may lamang tubig para agapan ang pag laki ng apoy, pero sa panahon ngayon nakakalungkot dahil pinanonood na lamang ang paglaki ng apoy”
“Ganyan kagagaling ang pilipino, sa halip na gumawa ng paraan para maapula ang apoy, ayun nagsipag video lang.”
“Pano makatawag ng bombero hala vid ka ate buti unang panahon pag may nakita sunong timba may laman na tubig ang dala ngaun cp at vid lng sapat na ending ubos ng apoy”
“Sana nakalabas lahat ng ligtas ang nasa gusaling iyon.”
“Nkkasad lng😢dati pag may ganyan sakuna bayanihan sa pag-apula ng apoy hbang wla pa ang bombero,ngaun inuuna pa ang video 😢”
“Puro kayo video wala man lang nag isip na tumulong mag apuha ng apoy tsk…tsk..”
“Tpos na ang sunog bago dumating ang bumbero ibang klase ang pinas sa kabagalan”
“Grabe. Wala manlang nakaisip mag bayanihan para hindi sana umabot ng ganyan kalaki.”
“yung ibang meron nakikinuod na lang nakukuha pang manisi, sa laki ng apoy malamang malawak din ang init na binibigay nyan sino magtatangka na lumapit ?”
Panoorin ang nasabing viral video dito.