VIRAL: Miss World Philippines winner, dalawang beses na natumba sa stage

Usap-usapan ngayon sa social media ang dalawang beses na pagkakatumba sa stage ng kionoronahang Miss World Philippines 2021 na si Tracy Maureen Perez.

Una siyang natumba at nahulog sa apat na baitang na hagdan sa mismong stage.

Nangyari ito bago pa man ang announcement of winners.

Agad naman siyang tinulungan ng isa sa mga hosts na si Xian Lim at ng isang kasamahang kandidata.

Matapos naman siyang makoronahan ay muli siyang natumba sa mismong stage.

Nangyari ito sa kanyang ‘frist walk’ bilang Miss World Philippines.

Naglalakad na siya papunta sa mga kasamahan niyang nanalo rin nang muli siyang mawalan ng balanse at tuluyang matumba.

Agad rin siyang nilapitan at inalaayan ng isa sa mga nanalo.

Dahil sa nangyari, maraming netizens ang napa-react at sinisi ang halos pitong oras na itinagal ng coronation night.

Narito ang ilan sa kanilang mga tweets.

Samantala, narito ang listahan ng kumpletong nanalo sa ginanap na coronation night.

Miss World Philippines 2021: Tracy Perez

Miss Supranational Philippines 2021: Dindi Pajares

Miss Eco Philippines 2021: Kathleen Paton

Reina Hispanoamericana Filipinas 2021: Emmanuelle Vera

Miss Tourism Philippines 2021: Trisha Martinez

Miss Environment Philippines 2021: Michelle Arceo

Miss Multinational Philippines 2021: Shaila Rebortera

Miss Eco Teen Philippines 2021: Tatyana Austria

1st Princess: Riana Pangindian

2nd Princess: Ganiel Krishnan

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: