Bagong TV Patrol weatherman, patuloy na inaabangan ng Kapamilya viewers

Ilang araw nang usap-usapan sa social media ang balitang si Migs Bustos ang kapalit ni Kuya Kim Atienza bilang weatherman ng TV Patrol.

Wala pang formal announcement ang network o ang nasabing programa tungkol sa bagong weather reporter ng Kapamilya network.

Sa YouTube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz ay ibinunyag nito na ang ABS-CBN sports newscaster na si Migs nga ang papalit sa iniwanang role ni Kuya Kim.

Dahil dito, maraming netizens ang nagpahayag ng excitement sa nasabing balita.

Biyernes, October 1, nang pormal nang magpaalam sa TV Patrol si Kuya Kim, kaya naman inasahan ng Kapamilya viewers na mayroon nang bagong weatherman nitong Lunes, October 4.

Bago pa man sumapit ang timeslot ng TV Patrol ay maraming netizens na ang nag-tweet tungkol sa pagkasabik sa bagong tagapaulat ng panahon.

Narito ang ilan sa kanilang mga tweets.

Subalit wala pa ring ipinakilalang bagong weatherman ang TV Patrol.

Sa halip, ang isa sa anchors nitong si Bernadette Sembrano ang nagbasa ng ulat-panahon.

Maraming netiznes tuloy ang nagpahayag ng pagkadismaya.

Narito ang ilang sa kanilang mga tweets.

As of this writing, wala pa ring announcement kung magkakaroon nga ng bagong weatherman o kung totoo ngang si Migs na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: