Tattoo ng pangalan ng ex sa braso ng isang lalaki, ipinabura sa pamamagitan ng plantsa

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang lalaki matapos nitong ipabura ang pangalan ng dating kinakasama na naka-tattoo sa kanyang braso.

Sa Facebook post ng GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ni alyas Johnny ang kanyang kuwento.

“Nu’ng time na nagkasama kami. Feeling ko talaga siya na ‘yung makakatuluyan ko.

“Siyempre, tumatanda na kami. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Ikaw na siguro ‘yung makakasama ko habambuhay.”

Dito na raw siya nagdesisyon na ipa-tattoo sa kanyang braso ang pangaln ni Sheila.

“Sabi niya kasi kung mahal ko raw siya, ipa-tattoo ko raw pangalan niya. 

“Kaya pina-tattoo ko pangalan niya sa braso ko.

“Pero habang tumatagal, lagi na kaming nagtatalo.

“Parang hindi kami talaga para sa isa’t isa.”

Ang palagiang pagtatalo nila ni Sheila ay nauwi sa hiwalayan.

At ngayong may bago nang karelasyon si Johnny, naisip niyang baka ikasama ng loob nito kapag nakitang pangalan ng ibang babae ang naka-tattoo sa kanyang braso.

Kaya naman nagdesisyon siyang ipabura ang nasabing tattoo gamit ang isang plantsa.

“Kaya habang nasa inuman kami, ‘yung braso ko kung saan naroon ang tattoo ng ex ko, inipit gamit ‘yung plantsa.

“Sobrang hapdi!!!

“Mga tatlong araw siguro, natanggal na ‘yung tattoo! Pero namaga at nag-keloid!”

Mabilis na umani ng reaksiyon ng publiko ang nasabing post.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Unpopular opinion: Wag magpa tattoo ng pangalan ng naging kasintahan. Dagdag sakit lang kapag di kayo nagka tuluyan. Mamomroblema ka lang pano buburahin yan😜”

“Sana kasi di mo na lang plinantsa. Pwede naman kasing tapalan ng bagong design. BAT MO BA KASI SINAKTAN, SHIELA?”

“May kilala ako pinatattoo yung mukha. Nagmukha tuloy madumi”

“LESSON LEARNED: WAG IPA TATTOO PANGALAN NG JOWA MAGBBREAK DIN NAMAN. WALANG POREBER 💔”

“Kagaya ng tattoo na iyong tinanggal… Naghilom ang sugat ngunit may naiwan na bakas..nabura man ang pangalan ngunit hindi ang nakaraan✌️🤣”

“Sana nag jowa na lang ulit ng Sheila rin ang pangalan 🤣”

“Sinabing very wrong ipatats name ng jowa e. Bat ba ayaw niyo makinig sakin. Walang forever!”

“yung ex ko pina tattoo din niya name ko sa braso at dibdib niya ayun alang forever samin dalawa😆 nag hiwalay kami almost 4 yrs na rin and may asawa na rin ako”

“Tsaka na kasi kayo mag patattoo kapag sigurado na kayo sa isat isa hindi yung bago pa lang kayo pinatattoo nyo na buti sana kung sa gilid ng pwet kayo mag pa tattoo para kahit papaano hindi makita”

“dapat dmo pinabura lalo ka tuloy nasakatan kay shiela.dinugtungan mo nalang sana ginawa mo shielamok..o d kayay shielanghiya”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: