Netizens, kinilig sa napapabalitang kapalit ni Kuya Kim Atienza sa TV Patrol

Pagkatapos ng pamamaalam ni Kuya Kim Atienza sa TV Patrol, naging palaisipan sa netizens kung sino nga ba ang papalit sa naiwan nitong trabaho na tagapag-ulat ng lagay ng panahon gabi-gabi.

Sinagot naman ito ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog at pinangalanan kung sino nga ba ang papalit sa nasabing pwesto.

Ayon sa kanya, ito ay walang iba kundi ang Kapamilya reporter na si Migs Bustos.

Pamilyar na sa mga masugid na tagsubaybay ng TV Patrol si Migs dahil siya ang humahalili sa pagbabalita ng ulat-panahon sa tuwing wala si Kuya Kim.

Naging commentator din siya sa NCAA para sa ABS-CBN Sports and Action.

Naging field reporter din siya Bandila at sa TV Patrol mismo.

Lumabas din siya sa Ganetime, isang sports newscast sa ABS-CBN News Channel o ANC.

Maliban dito, napapanood din siya bilang commercial model sa iba’t ibang TV advertisements.

Bagama’t wala pang kumpirmasyon sa pagiging bahagi na nga niya ng TV Patrol, tila anging excited naman ang mga loyal Kapamilya viewers.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“dpat 3x babanggitin ung weather. umpisa, gitna ska sa dulo ng balita kasi ung iba hindi na na ttyempohan ung weather forecast. Suggestion lang po. Salamat.”

“Sa weather report na ako tututok gabi gabi. Maganda panoorin to. Okey na kami Kuya Kim naka move on na kami after 1 day. Mas happy na kami ngayon”

“May tampo pa sana ako kay Kuya Kim, kaso nabasa ko tong balita, nawala tampo ko.”

“Salamat sa paglipat kuya kim, mahal ka namin😘 pero mas mahal namin ang pumalit sayo😍”

“Kuya kim please maging solid kapuso kna ha!🤣”

“Kuya Kim, you’ve made the best decision ever 🤭”

“Tama yan kuya Kim lahat tayo my freedom n umalis at tama ang desisyon mo..”

“Good decision Kuya kim. Di na po kami galit sau”

“Wag puro korean dramas.. Nuod na tayo NG balita😂”

“Sana noon ka pa umalis kuy Kim naman eh 😭”

“Yung nireport niyang may bagyo, pero imbes na mataranta o mangamba. Kinilig muna”

“Okay na pla sige kuya kim enjoy dyan sa gma 😀”

“Huwag na kayo magtampo kay kuya Kim tingnan nyo pogi ang pumalit”

“Nakapag move on na kmi kuya kim. Maging masaya ka sana sa tatahakin mong landas kasi kami sobrang saya muntik pa mapatid garter ng panty namin sa poging ipinalit sau”

“Weather report nya, Yung kikiligilin ka muna bago mangamba sa paparating na bagyo😅”

“Kuya Kim naman bat ngayon mo lang naisipang lumipat. HAAHAHA CHAROT.”

“Kuya Kim okey na kami, tama na ung isang gabing iyak. Okey na kami. Naka move-on na kamim wag kana bumalik ahh.. 🤭”

“uugaliin ko na talagang manood ng tv patrol gabi gabi😁”

“di na muna ako manonood ng kdrama..News talaga paborito ko😂”

“Grabe talaga ang kahalagahan at aral sa panonood ng balita. Simula sa Lunes, ipinapangako ko na mas pag iigihan ko pa ang panonood ng TV Patrol.”

“Kuya Kim made the right decision and happy ako dun😁”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: