Viral sa social media ngayon ang video footage ng pagsagip sa isang lalaki na nalunod sa Tibubdan Falls sa Catmon, Cebu.
Sa Facebook post ni Carlos Japitana Dolendo, ibinahagi niya ang video kung saan makikita ang ginawang pagsagip sa lalaki.
Aniya, sibubukan nilang i-rescue ang nasabing lalaki ngunit nabigo sila.
Pinaalalahanan rin nila ang publiko na mag-ingat sa paliligo sa waterfalls lalo na kapag masama ang lagay ng panahon.
Narito ang buong caption ng nasabing post.
“Look at here guys.. We try to rescue him to saved his life but unfortunately he’s unlucky.. I’m so sorry..
“PS: do not having fun with your family and love ones in the waterfalls if the weather is bad..”
Panoorin ang nasabing video dito.
Ayon sa ilang nagkomento at nakasaksi sa nangyari, masayang naliligo sa falls ang isang grupo nang bigla na lamang tumaas ang tubig.
Sa bilis ng pangyayari at sa pagkagulat nila, nagkanya-kanya agad sila ng ahon sa tubig.
Isang lalaki ang naiwan sa gitna at naipit sa patuloy na pag-agos ng tubig.
Mabilis namang umaksiyon ang mga tao sa paligid at gumawa ng paraan para masagip ang lalaki.
Sa kabila ng pagsisikap nilang sagipin ito ay nahirapan sila dahil sa lakas ng daloy ng tubig.
Nakabitiw ito sa lubid na ginagamit na pangsagip sa kanya at tuluyan nang inanod ng malakas na agos.
Panoorin ang isa pang video ng pangyayari dito.
Agad na nag-viral ang nasabing video at umani ng reaksiyon ng publiko.
Narito ang ilan sa komento ng netizens.
“Mahirap talaga matantiya ang panahon kung kailan tataas ang tubig kaya ingat tayo sa ganyan.”
“Doble ingat tayo sa pagpunta sa mga lugar na hindi natin kabisado.”
“Grabe. Hindi ako halos humihinga habang pinapanood ko ang pag-rescue sa kanya.”
“Condolense po sa pamilya niya. Ang sakit lang sa dibdib panoorin ng pangyayari.”
“Yung dapat ay masaya lang sila tapos nagkaganyan. Nakakalungkot.”
“Maging aral na atin ang nangyari. Mag-ingat tayo lalo na kung medyo hindi maganda ang lagay ng panahon.”
“Nakakalungkot. Nakakaiyak. Muntik na syang masagip.”
“OMG! Nakakapanghinang panoorin. RIP sa kanya.”
“Walang dapat sisihin sa ganitong pangyayari. Kung oras mo na, oras mo na talaga.”