Hinangaan ng netizens ang dalawang lola sa Boracay na patuloy na naghahanapbuhay para sa panggastos sa araw-araw.
Sa isang Facebook post ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi nila ang kwento nina Lola Gloria at Lola Luisa.
Ayon kay Lola Gloria na 74-taong gulang na, bata pa lamang siya ay ang pagsisid at pangunguha na ng sear urchin o tirik ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.
Iyon lamang din daw ang alam nilang hanapbuhay.
At ngayong matanda na sila, bagama’t nahihirapan ay patuloy lamang sila sa ganoong hanap-buhay.
Ang kanyang mga anak ay may kanya-kanyan nang pamilya at ayaw niya raw maging pabigat sa mga ito.
Kadalasan ay maliit lamang daw ang kita sa nakukuha nilang sea urchin kung kaya’t kape na lamang ang iniuulam nila.
Ayon naman kay Lola Luisa na 64-taong gulang na, wala raw siyang ibang pwedeng mapasukang trabaho sa Boracay dahil siya ay senior na kaya ang pagsisid sa dagat ang ginagawa niya.
Gaya ni Lolo Gloria, may sarili nang mga pamilya ang kanyang mga anak kung kaya’t ayaw na rin niyang maging pabigat sa mga ito.
Bagama’t alam daw nilang delikado ang kanilang ginagawa ay pinagtitiyagaan na rin daw nila para makaraos sila sa araw-araw na pamumuhay.
Umani naman ng reaksiyon ng netizens ang kwento ng dalawang matanda.
Narito ang ilan sa komento ng mga netizen (published as is).
“Saludo po ako sainyo mga lola❤.Ang inyong kasipagan at hindi namimili ng trabaho basta marangal lang ay dapat tularan.”
“Kung sila nga kahit senior citizen na patuloy pa rin sa pagkayod mabuhay lang ang kanilang pamilya, samantalang yung iba diyan kahit di pa katandaan at malusog ang pangangatawan NAKATAMBAY SA BAHAY LANG O KAYA UMAASA PA RIN SA KANILANG MGA MAGULANG”
“Saludo po ako sa enyo Lola npaka dilikado po nang ginagawa nyo piro kinakaya nyo pa para lng mkabili nang bigas nakakalongkot”
“Sana man lang yun local na pamahalaan nila mgkaroon ng programa pra sa ktulad nilang mga senior citizens na mgkaroon ng senior allowances every month..”
“isa ito sa reason kung bakit kailangan natin magpatuloy sa buhay, minsan kasi reklamo tayo ng reklamo sa kung anong meron tayo pero sila patuloy pa din lumalaban. Grabe salute sa dalawang lola talaga. Ang tibay nila.”
“Sa tingin ko mas maganda sa katawan nila ang sumisid. Lumalakas ang baga nila. At ito ay halimbawa ng marangal na gawa.”
“Sana sa mga anak wag nyo hayaang maging ganyan magulang natin..kahit mahirap ang buhay di dapat maisip mo o ng magulang natin na pabigat lng sila”
“Dapat hindi na sila sumisisid dahil matanda na sila dapat sa nagpapahinga nalang sa bahay pero dahil sa kahirapan kailangan kumayod para lang may makain.”
“khit my sariling pmilya na mga anak nyo sna khit pnu tinutulungan nla kayo.my sariling pmilya na rin ako pero di ko pinapabayaan parents ko hanggat nandito cla sa mundo”
“Wala ba silang mga anak?kasi kahit sabihin na natin malakas at kaya pa nila pero napakadilikado na yan sa kanila”
“Kahit matanda na cla mas pinili nila ang magtrabho at d umasa sa mga anak.pero sana naiisip din sana ng mga anak nila Lola na matanda na cla at dpat d na nila ginagwa ung ganyan”