Viral sa social media ang video ng isang palaboy sa Catarman, Northen Samar.
Sa nasabing video, makikita ang isang lalaking may angking ganda ng boses na umaawit sa isang tindahan.
Namangha ang nag-upload ng video na si Fernan Fabregaras sa talento ng nasabing lalaki kung kaya’t nagdesisyon siyang kuhanan ito ng video at i-upload sa social media.
Nakilala ang lalaki sa video na si Vicencio Empalmado.
Maging ang mga netizen ay nagpahayag ng paghanga sa pag-awit nito ng ‘Just Once’ ni James Ingram.
Agad nakahakot ang video ng million views mula sa netizens.
May ilan na ring nagpaabot ng kanilang tulong kagaya ng libreng gupit, pagkain, at damit.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).
“Professional Singer ito dati kc pag hawak p lang s mic Alam nya eh nagkaroon cguro ng depression kaya naging ganyan Sana matulungan cya 🙏🙏🙏”
“Galing..paghawak Ng mic talagang marunong umawit..pati expression Ng face at lyrics alam..naging palaboy man likas ang talent.👍👏”
“Sana naman sa kilala itong Tao kumakanta. Kailangan ng tulong nyo para ibalik ang kanyan magandang buhay. Sigurado masama talaga nangyari sa kanya na hindi siya tumatanggap ang nangyari sa buhay nya.”
“Hindi biro pinagdadaanan ng mga may depression,.pra clng mga patay na buhay..araw-araw struggling cla..kalinga,pang-unawa at psensya ng pamilya need nla..sna maipagamot c kuya at gumaling.”
“Sana matulungan si kuya ang galing parang may nais iparating si kuya sa kanta niya,, ramdam sa bawat bigkas niya ng mga lyrics sa kanta,.Bihira ang katulad nya magalang magaling umawit humanga aq pati pag kumpas ng kamay pati tyempo Sana makabalik sya sa dati.”
“Magaling you can hear all the lyrics are very clear despite sa kalagayan nyang ganyan sana may mag pagamot sayo para bumalik ka sa dati ..!!”
“Nice voice si Kuya!”
“Unfortunately, mental health and homeless services are lacking in the Philippines. Mental health services are not affordable for most families.”
“Galing ni kuya lamig ng boses.. sana lang my makapansin syo ng mabago na takbo buhay mo… makita ka rin sana ng mga kamag anak mo… God bless you kuya…Galing n kuya♥️ bka na depress lng c kuya kaya ngka ganyan itsura sana mkabalik n sya s family nya”
“Sana naman matulungan ang tao na ito, galing nang boses nya pwede pa mas madevelop kung meron mag train dito kawawa naman, ciguro kung mabihisan cya at mapagupitan maayos ang itsura nito, yong may mga ginintuang puso tulungan po sana ninyo cya mga taga riyan sa Samar na me kakayahan sa buhay baka pwede po ninyong tulungan ang tao na ito, salamat po.”
“When life is hard, music can heal. I literally cried the moment he opened his mouth and sing! God bless you with clarity and peace. Praying you will get through whatever you are struggling right now❤”
Panoorin ang nasabing viral video dito.