Video ng luhaang bride na na-scam ng wedding coordinator, nag-viral sa social media

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng isang bride na naiyak na lamang nang madiskubre ang panlolokong ginawa ng kanilang wedding coordinator.

Sa video na ini-upload ng wedding videographer na si Tinskie Elsisura, makikita ang bride na nakasuot pa ng kanyang wedding gown at napaupo na lamang sa pagkadismaya.

Ayon sa post, fully paid na raw ang bagong kasal sa kanilang wedding coordinator.

Nakausap at nagpakita pa umano ito sa kanila sa mismong wedding preparations.

Sa araw ng kasal na mismo nila nadiskubre na hindi pala bayad ang venue sana ng reception at wala ring booking o reservation na naganap.

Umani ng reaksiyon ng netizens ang nasabing video.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is.)

“pano mo kinaya yan. sana sinabi mo na kesa napahiya ng todo at nasira moment ng couple. gigil ako sau. Salbahe”

“grabe kawawa naman. kung alam nyo lang grabe yung stress kapag ikakasal.  hindi ka mapakali , sometimes di ka pa makatulog.”

“Kawawa naman un bride napaka importante sa knya ng araw na yan. Tas nasira lng sa mga taong manloloko tsk tsk.”

“We can prevent this or kahit habulin nalang yung scammer.. This is why we should have SIM card registration linked to National ID sa pinas para mabilis ma identify at ma tract ang scammers..”

“This should be one of the happiest moment for the bride and groom. Sadly, there are people who are like that that made this day a traumatic one.  Kaya hirap din talaga magtiwala sa tao. Praying for them 🙏”

“Kya dapat po Di lahat pinagkakatiwala sa coordinator… Dapat Kyo mismo NG do double check din sa booking at lahat NG needs.”

“May mali kyo rin nkipg negotiate kyo at ngbyad sa coordinator lng. Dpat mismo karap nyo yongvstaff ng venue ksi don ngbbayad sa ofis.. Lesson learned po yan.. Dpat d bsta mgtiwala sa tao d nyo nkkahrap at mgbgay pera.”

“Grabe nman mga taong gumawa nyan.. Malaking krma sana bumalik sa knila..”

“Lesson yan sa lahat kahit may event coordinator kayo dapat asikaso pa rin kung ok n lahat mga 2 weks before the event .”

“Ang wedding coordinator ang magprepare ng lahat ng kailangan. Kung cya ang nakipagcoordinate sa venue at food dpat inalam din ninyo. Kc may food tasting at dpat nakita nio un venue kung ok ba ang lugar. Hindi po ako naninisi, just saying lng.”

“Dapat kasi khit may wedding coordinator ka onhand ka pa din, kasama k p din sa pg plan at payment, at kumakausap sa venue, hindi yung iaasa mo lahat sa knila”

“wala puso coordinator”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!