Pia Wurtzbach, sinagot ang basher na nagsabing “walang ibang career kundi mag-pictorial”

Hindi pinalampas ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzback ang komento ng isang netizen sa Instagram post niya.

Sa komento ng netizen, sinabi nitong walang ibang career ang beauty queen kundi ang mag-pictorial.

Dagdag pa nito, umaasa sila ng ‘big events’ sa TV at mpvie career ni Pia.

Sinabi pa nito na kailangan ni Pia ng magaling na manager para hindi siya malaos.

Ikinumpara rin ng netizen ang career ni Pia sa kay Miss International 2016 Kylie Versoza.

Narito ang buong komento ng nasabing netizen (published as is).

“Walag ibang career si girl kundi magpa pictorial. Mag vlog about pageant pa din! Move on gurl sa mga pageant na yan! We are expecting big events in ur career and in your life!!! MOVIES waley??? TV SHows walewyyy din??!

“Naku gurl u need a good manager! Palitan mo na ang gaffud na yan. Daming magagaling na management like Viva, Starmagic, Cornerstone etc. One day gigising nalaos ka na lang na wala ka man lang ginawa! Kasi si Gaffud wala pa naman talagang nagagawang superstar sa Showbiz. #Pictorialqueen #puropictorialwalangganap

“Look at Kylie Versoza, merong Launching movie booommm!!! @piawurtzbach”

Sinagot naman ito ni Pia at sinabing masaya siya para sa mga kaibigan na maganda ang takbo ng showbiz career.

“ayoko na sana magreply sa mga fake accounts but just so you guys know im very happy for my friends who are doing so well in showbiz! 😍 totoo yan! but for me its not a personal goal anymore! Im so happy and grateful for the blessings I have in my life now ❤️ I found the perfect balance of doing what I love and being happy in it.”

Nilinaw din niya na wala siyang manager sa ngayon at siya mismo ang nag-aasikaso ng sarili niyang career.

“Ive been in charge of my own career and managing it myself for a while now and im very happy in the direction that im going 😊 lahat ng work na ginagawa ko yung gusto ko talaga at naeenjoy ko pa personal life ko ️ masaya lang 😊 kaya wag ka nang magalit.”

Iginiit din niyang tigilan na sana ang pagkukumpara sa mga kababaihan.

“tsaka tama na tong comparing and pitting women against each other. 2021 na at may pandemic na tapos stuck parin tayo sa ganitong mindset? Tama na✌️di nakakaganda”

Kinampihan at ipinagtanggol naman siya ng ilang tagahanga.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“walang ganap ang left and right endorsements? Pag aartista lang ang barometer ng success para sayo? sa true Queen P. di nakakaganda ang ganyang klase ng mindset like cant you just be happy for everyones achievement ?!”

“aku andito na naman ang bklang bshers na to buhay na naman ang aga aga maghasik ng kabitteran sa buhay nya! 😛😂”

“obviously you don’t know Queen P. She has other priorities now. Iba na an mga goals niya at hindi kasama ang mag artista. You should listen or read some of her interviews. Ikaw na lang kaya ang mag artista😂”

“Bklang bitter pag ingit pikit, jusme mag pictorial ka dn kng gusto mo, bat hindi ikaw mag movie, mag show at maghanap ng manager”

“inggit ka lang kay Queen Pia kasi siya masaya sa buhay nya ini enjoy nya trabaho nya at kuntento sya sa kung anong meron siya hindi sya bitter kagaya mo, ano ba breakfast mo for today?”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: