Tanong ng netizens: Vice Ganda at Toni Gonzaga, friendship over na nga ba?

Palaisipan sa ilang netizens kung si Toni Gonzaga nga ba ang tinutukoy ni Vice Ganda sa mga litanya niya kahapon sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

“Post ka ng post ng mga Bible quotes sa social media pero sumusuporta ka naman sa magnanakaw.”

Mabilis na nag-react ang ilang netizens at sinabing tila may pinariringgan ang TV host sa sinabi nito.

Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya kamakailan si Toni matapos lumabas ang interview niya kay Bongbong Marcos.

Naging trending topic tuloy sa Twitter ang naging pahayag na ito ni Vice.

May ilang netizens din ang nakapansin na hindi na naka-follow si Toni kay Vice sa Instagram.

Samantala, naka-follow pa rin naman si Vice kay Toni.

Matatandaang malapit na magkaibigan ang dalawa.

Nagkasama na rin sila sa ilang shows at maging sa pelikula.

Bagama’t wala namang kumpirmasyon ang mga haka-haka ng netizens, nananatili pa ring curious ang mga ito sa kung ano nga ba ang kinahinatnan ng pagkakaibigan ng dalawang sikat na Kapamilya stars.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: