Toni Gonzaga, patuloy na binabatikos ng netizens dahil sa kanyang latest vlog

Naging kontrobersiyal ang latest vlog TV host-actress na si Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel.

Ito ay matapos umani ng batikos mula sa ilang netizens ang ginawa niyang interview kay Bongbong Marcos.

Agad na naging trending topic sa Twitter ang nasabing panayam dahil na rin sa pagpuna ng netizens.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may mga politikong nai-feature sa YouTube channel ng Kapamilya host.

Matatandaang nakapanayam na rin niya sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, at iba pa.

Kaya naman depensa ng ilan, ginawa lamang ni Toni ang interview kay Bongbong sa ngalan ng pagiging “neutral.”

Ngunit ilang netizens pa rin ang pumuna at nagsabing nadismaya sila sa ginawa ng host at tinawag siyang ‘DDS’ at ‘Marcos apologist’.

Narito ang ilang tweets ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: