Modus ng isang customer sa isang tindahan sa Rizal, huli sa video

Nag-viral sa social media ang CCTV footage kung saan naaktuhan ang isang babae habang gumagawa ng modus sa isang tindahan sa Tanay, Rizal.

Sa pamamagitan ng isang post sa Facebook page ng S-Gem Pasalubong ay ibinahagi nila ang insidente ng tangkang panloloko ng isang babaeng customer.

Narito ang kabuuan ng nasabing post.

“Mag-iingat po kayo sa modus na babae na ito.

“Kitang kita sa cctv nilukot yung 500 tsaka nilagay sa kili-kili at pinaltan niya agad ng bente yung sinukli sa kanya.”

Base sa kuha ng CCTV, makikitang sinuklian na ng tindera ang babae.

Kita rin ang paglukot ng babae sa 500 peso-bill at ang pasimpleng pag-ipit nito ng pera sa kilikili.

Mabilis nitong pinalitan ng 20 peso-bill ang nasabing pera at iginiit sa tindera na mali ang pagkakasukli sa kanya.

“Doble din po suot niyang damit para mabilis makapagpalit kapag may naloko siya.

“Eto rin ata yung sa may bilihan ng paso sa palengke. Kasi parehas sila ng katawan at ng wallet.

“Mabuti nalang at di niya kami naisahan, dahil sure yung tindera na may sinukli siya 500, tapos nagpalusot nalang yung babae na labis daw yung sinukli sa kanya ng bente at tsaka siya umalis.”

 

“Dito lang po yan nangyari sa TANAY,RIZAL Mag-iingat po tayong lahat, lalo na yung may mga business dyan.

“Nasa comment section po yung kuha na malapit ang mukha. Pakikalat nalang po para di na makapanloko ng iba at makapag ingat din sila.”

Agad na nag-viral ang nasabing video at umani ng reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Kudos kay ateng tindera na focus talaga sa trabaho niya at alam na talagang tama ang isinukli niya.”

“Grabe naman ang mga kagaya ni ate na nagagawa pang manloko sa panahon ng pandemya.”

“Matagal na ang ganitong modus kaya sana aware na ang lahat para maiwasan.”

“Mukhang sanay na sanay na si ate ah. Baka matagal na niyang ginagawa.”

“Shoutout kay ateng tindera! Good job ka dyan ate!”

“Ang bilis ng kamay ah. Mukhang matagal na nyang ginagawa ang ganyan.”

“Di na nahiya si ate sa mga naghahanapbuhay at nagnenegosyo nang marangal.”

“Ibang level ang galawan ni ate. Mukhang sanay na sanay na sa ganyan.”

“Sana wala nang nabibiktima sa ganyan.”

“Mission failed si ate. Hahaha! Very good ang tindera.”

“Try again na lang siguro si ate sa ibang tindahan. Sana magaling din ang tindera para di mabiktima.”

“Sana maaksyunan ang ganyan at may magawang aksyon kay ate para di na maulit.”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!