Lalaking nangangalakal ng basura, napagbintangang magnanakaw ng dalawang guard?

Kumakalat ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang dalawang security guards na nakikipag-usap sa isang lalaking tila napagkamalang magnanakaw.

Unang ini-upload sa TikTok ang nasabing video at ngaon ay nai-share na rin sa Facebook ng ilang pages at netizens.

Mapapanood sa video ang isang lalaki na halos mangiyak-ngiyak na nagpapaliwanag sa dalawang security guards na sumita sa kanya.

Ayon sa lalaki, ang dala niyang sako ng mga gamit ay ibinigay sa kanya ng isa pang security guard.

Balak niya raw ibenta ang mga ito para may maipambili ng gatas para sa kanyang anak.

Pinipilit niyang maipaliwanag nang maayos sa dalawang guards ang kanyang panig ngunit tila hindi kumbinsido ang dalawa.

Pinaghihinalaan kasi ng dalawa na ninakaw lamang ang mga gamit na dala-dala ng nasabing lalaki.

Bagama’t hindi malaman sa video kung ano ang kinahinatnan ng pag-uusap nilang tatlo, agad umani ng simpatya ng netizens ang nasabing lalaki.

Mabilis na kumalat ang video at dinagsa ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Nakakadurog ng puso makakita ng ganito😥”

“Di lahat ng nangangalakal magnanakaw.”

“Mararamdaman naman natin siguro kung ngsasabi sya ng totoo. Anu mang paligoy ligoy ng tanong mu consistent sya sa sinasabi nya. And Kaya nya ring patunayan Kung binigyan Lang sya ng chance ipakita Yun.”

“Sadyang maliliit Lang talagang kinakaya Kaya nating sawayin pero Di natin magawa sa mga may katungkulan na garapalan ang ginagawa.”

“Nakakalungkot na realidad ng buhay.”

manong guard un bng pagbigyan nyo c manong nkikiusap nmn sainyo.may pamilya tao yan buti at ngbabanat ng buto para sa pamilya ung pagbgyan nyo nlng para sa pagkakapwa tao halos maiyak n sainyo…bakit kaya maymga tao talagang ganun..”

ilang beses na pinapaintindi ni kuang mangangalakal na di nya ninakaw’niyaya pang puntahan kung san nya napulot ung bakal di rin namam pinansin..pasikat lang ang gusto..alam namin na ginagawa nyo trabaho nyo pero plsss lang konsederasyon lang po sana”ok lang sana kung kau mismo nakakita ehh nag turo lang dn kayo kay pinokyo..”

“Palit kayo sitwasyon baka mas mabait pa na guard sa inyo yan .tapos makita kayong dalawa na ngangalakal, baka abutan pa kayo ng pangakain nyan .”

“minsan di mo malalaman yung hirap pag di mo nasusubukan lumagapak sa lupa.”

“Tapos ganyang pag kausap mo yung taong sarado pagiisip yung gusto lng nila yung pwedeng masunod at sila lng yung dapat na tama”

Kapag mahirap pinapahirapan. Kapag mayaman ginagalang.?”

paulit ulit lang yung tanong ng mga kupal na gwardya, pinapapunta nila dun para tawagin ang gwardya para mahakot na nila yung dala dala ng pobre.”

“T*nga naman nang guard nayan kong magnanakaw yan tumakbo nayan”

“Kung ninakaw niyan sana tumakbo na Yan di na Yan nagpaliwanag iniwan na dapat niya Yan”

Pareparehas lang kayong tao pinagkaiba niyo lang nakauniform kayo at kayang kumain ng 4 na beses sa isang araw! itsura na ba ang basehan ngayon para masabi niyong magnanakaw.”

Panoorin ang kabuuan ng video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: