Ate Gay, patuloy na binabatikos ng netizens dahil sa isang Facebook post

Bagama’t ngayon ay burado na ang kanyang Facebook post, patuloy pa ring binabatikos ng netizens ang komedyanteng si Ate Gay o Gil Morales sa totoong buhay.

May kinalaman ang nasabing post sa mga kaibigan niya na umano’y walang ginawa kundi ang magreklamo.

“Delete ko mga friends ko dito na walang ginawa kundi mangnega ng umaga ang manisi ang sisihin ang gobyerno.. basa din alamin ang pinagmulan ng paghihirap ng pinas.. simulan nyo ng 1986.. ✌🏼✌🏼”

Maliban sa nasabing post, pinuna rin ng netizens ang naging reply niya sa post ng kapwa-komedyanteng si Petite.

Sa Fabeook pist ni Petite, naglabas siya ng saloobin tungkol sa palaki nang palaking utang ng Pilipinas.

“Diyos ko 11.6 TRILYON utang ng PINAS

“kahit oras oras mag max rate si LYKA di mababayaran ang echos na yannnn!”

Hindi naman sumang-ayon dito si Ate Gay at sinagot ang nasabing post.

“Ikaw na ang pangulo!!

“Tingnan ko lang kung di ka umutang! 

“Kaloka ka petite.. tayo nga nangungutang tayo para sa pamilya natin dahil di naman tayo mayaman.

“ganun din ang pilipinas di mayaman. mahirap mahirap mahiraaaaap noon paaaaa!”

Agad na dinagsa ng komento ng netizens ang nasabing posts at reply.

Maging sa Twitter ay hindi naiwasan ng netizens na maglabas ng kanilang saloobin hinggil sa issue.

Narito ang ilan sa mga tweets ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: