‘Unboxing’ ng buto ng yumaong kuya, nag-viral sa social media

Nag-viral sa social media ang isang video ng isang kakaibang ‘unboxing’ na ginawa ng isang netizen.

Sa Facebook Live ni Jaypee De Leon, ipinakita niya ang pagliligpit niya sa mga labi ng kanyang kuya matapos buksan ang libingan nito makalipas ang siyam na taon.

Sa isang post, sinabi niyang binuksan ang libingan ng kanyang kapatid para mailagay na ito sa sako at para makasama na sa libingan ang kanilang tiyuhin.

As of this writing, hindi na makikita sa Facebook timeline ni Jaypee ang nasabing video.

Gayunpaman, may ilang netizens na ang nakapag-download at nakapag-reupload ng nasabing video.

Mapapanood ang nasabing video sa link na ito.

Agad humakot ng views ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Happy kna? Wala kng respeto sa kuya mo kahit patay na.”

“Parang natuwa kapa sa ginawa mo kaloka ka! Nag LIVE talaga?”

“Hindi nyo sha na iintindihan, Puro lang kayo husga, Sana naman marunong kayo umintindi wala namang masamang gawin nya yan lalong lalo’t ka anak nya yan, di naman siya nag papafame na mimiss nya talaga kuya nya lalong lalo na ilang years nang hindi nila nakakasama, Wag puro husga di naman alam ang lahat.”

“Garbage creator para mapansin sa Social Media.”

“HONESTLY, PARA SAAN PO PAG LA LIVE NYO? TO GAIN VIEWS AND LIKES? MAGING SENSITIBO PO SANA KAYU SA PINAGPOPOST NYO HINDI YUNG PARA LANG DUMAMI FOLLOWERS NYO.. ANYWAYS GOD BLESS..”

“Dq tlg kinaya yung unboxing hahahaha lalo na nag iisa aq sa posting q s work”

“Kht ano ggawin makapagpasikat lang.”

“Maraming hindi marunong makaunawa rito. Dinasalan na nga po. Talagang nangulila lamang siya sa kuya niya. Yaong mga anak ninyong nangagsisipaglandian sa Facebook ang atupagin ninyo. Pwe!”

“What is wrong with people? People go live whenever they want to and it doesn’t always mean they want to become FAMOUS.”

“Feeling ko di nya intensyon magpasikat. Base sa video ganun talaga sya. Paulit ulit ng sinasabi tapos maiiyak tapos ulit na naman sya ng ssabihin nya. Mahal na mahal lang nya yung kuya nya.”

“Mukang di naman sya gusto lang magpasikat. Natutuwa nga ako sa kanya kase malakas yung loob nya at walang takot na hawakan at linisin kapatid nya. Talagang mahal na mahal nya kapatid nya.”

“Tawa ka pa. Bangkay ng kuya mo yang pinaglalaruan mo.”

“Kung ako yung kuya mo, magpaparamdam ako sayo tapos ibabantok ko sayo sarili kong bones.”

“Grabe na talaga ngayon. Para sa views at para makapagpasikat, gagawin lahat.”

“Hindi daw niya intensyon na magpasikat. Eh bakit naka-live? Hahahaha”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: