Paolo Contis, umamin tungkol sa third party: “Naging marupok at g*go ako.”

Matapos ang ilang araw na pananahimik tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si LJ Reyes, nagsalita na tungkol dito si Paolo Contis.

Sa pamamagitan ng isang mahabang post sa kanyang social media accounts, binasag na ni Paolo ang kanyang pananahimik hinggil sa issue.

Matatandaang una nang kinumpirma ni LJ sa pamamagitan ng isang madamdaming interview kay Boy Abunda ang tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

Simula noon ay nanatiling tahimik sa issue si Paolo sa kabila ng kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanya sa social media.

“After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko.

“I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito.

“I understand all your frustrations.

“Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito…”

Itinanggi niya ang mga paratang na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot at sinasaktan niya umano ang asawa.

“Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata.

“This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them.”

Ihiningi naman niya ng paumanhin ang sinasabi niyang pagiging marupok niya sa loob ng ilang taon.

“Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama.

“I’m not proud of it.

“For that, I’m sincerely sorry.

“I’m truly ashamed of my actions.”

Bagama’t nagsalita at umamin siya sa pagkakaroon ng third party, binigyang-linaw naman niya ang nagsuluputang issue na ang leading lady niya sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos ang dahilan ng hiwalayan nilang mag-asawa.

“She was never the reason of our break up. I was.

“Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.

“Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.”

Matatandaang lumutang sa social media ang ilang candid photo ni Paolo at ng isang sinasabing “mystery girl” sa gitna ng usapin ng hiwalayan nina Paolo at LJ.

Ibinahagi rin niya na nauunawaan niya ang naging desisyon ni LJ na magtungo sa America.

“I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay.

“But I understand and respect her decision to go to the States muna.

“Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata.

“Madami pang kailangan pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.”

Humingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng nadamay sa issue.

“I want to apologize to Lian and the kids, na nagulo na naman ang tahimik na buhay dahil sa akin.

“I’m sorry to my Mom. Please don’t worry about me too much.

“I’m sorry to my team na hindi na nakakatulog dahil sa akin.

Humingi rin siya ng paumnahin sa anaki nila ni LJ na si Summer at sa anak ni LJ kay Paulo Avelino na si Aki.

“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise.

“To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you.”

Sa huli, humingi rin siya ng tawad sa asawa.

“To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat lahat.

“I will work on making myself a better person and learning from this.

“But for now, please respect our privacy and pray for us.

“Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me.

“No one else deserves it, ako lang. Thank you.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: