Humihingi ng tulong ang isang netizen matapos mabiktima ang kanyang alaga ng panghahablot ng cellphone isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Base sa kuha ng CCTV, nakasakay ang suspek sa isang motorsiklo na may bag ng isang kilalang food delivery service.
Ipinost ni Jonathan Aderes sa kanyang Facebook ang ilang larawan at ang CCTV footage ng nasabing insidente.
Narito ang caption ng nasabing post.
“Please p help nmn po at pa share pra po mkarating sa kinauukulan
“Kze ung alaga ko ninakawan ng cellphone..
“Dito po yan sa p.victor street. Guadalupe nuevo. Makati city.base po sa kuha ng cctv grab po ang rider at nkita ng aking alaga.”
Wala pang pagkakakilanlan ang suspek at wala ring kasiguruhan kung totoong delivery rider nga ito.
Puna kasi ng ilang netizens, kahit na may tatak ng food delivery ang motor nito, hindi naman ito nakasuot ng uniporme.
Agad na nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“baka hiniram lang kasi nalowbat siya babalik rin agad Hahhaha”
“Hindi lahat ng grab ganyan.. malay mo kung sinuot lng uniform namin… Wag ka manglalahat. MGA GRAB..”
“Ung plate no. Ipa trace nio po malalaman po ngaun kung cno ung rider”
“Ahh dyan sa p.victor ang pilahan ng mga colorom na angkas rider alam nyo na”
“Ang laki ng sahod ng grab rider tpos mag nanakaw lng ..awit sau lods ayusin mo ung judgemental mo lagay mo sa lugar”
“paki check po if legit. wag po lahatin. mas madami po ang mabubuting rider. wag sana madamay ang mabubuti natin mga rider.”
“Baka hndi namn grab yan nagpapanggap lng. Hayss sira nnmn image ng mga riders”
“Sa sobrang tumal nang booking nakaisip na nang Hindi maganda.”
“Malamang hindi grab rider yan..tsk”
“bwiset nayan nagamit nanaman yung pangalan ng grab . tayo nanaman mga rider masisira neto”
“Hindi legit na grab yan. Grab din ako yan din hinabol ko nung sa Pasay ako nag deliver nanghablot ng cp hindi ko lang inabutan.hinahunting yan ng mga grab rider dahil kaming mga legit ang nasisira.”
“Di po yan grab kawatan po talaga yan ginamit nya lng yan pang front yung bag para kahit palinga linga sya di sya halata kyang naming kitain yan sobra pa”
“hindi grab yan hindi gagawin ng isang grabfood rider yan hindi niya pagpapalit trabaho niya dahil lang sa cp nayan”
“Tignan mo nga hnd naka uniform..may mga rider n gumagamit ng bag pero ibang delivery..mag isip k muna bago k mag salita.. Andun n tayo naka grab bag..pero alam mo bang grab rider b tlg yan.. Ipatrace mo may MV file ung plate nya para malaman mo”
“nakaka badtrip post nito! sigurado po ba kayong legit grab rider yan?”
“grabe naman po kayo. Baka naman nagdisguise lang ‘yan. Masyado nyo pong ginigeneralize”
Panoorin ang nakuhang CCTV footage dito.