Mygz Molino, sinisisi nga ba ng pamilya ni Mahal sa biglaang pagpanaw nito?

Sa pagpanaw ng komedyanteng si Mahal, naglabasan ang mga balita sa social media na diumano’y sinisisi ng pamilya ni Mahal ang kaibigan nitong si Mygz Molino sa biglaang pagpanaw ng komedyante.

May ilang artikulo rin na naglabasan na sinasabing tutol daw ang pamilya ni Mahal sa ginawang pagpunta nina Mahal at Mygz sa Albay para bisitahin si Mura.

Ayon sa mga artikulo, nais daw sana ng pamilya ni Mahal na ipagpaliban na muna ang pagpunta ng dalawa sa malalayong lugar upang makaiwas sa banta ng C0VID-19.

Ito ang binigyang-linaw ngayon ng pamilya ni Mahal.

Wala raw silang sinisisi sa nangyari kay Mahal taliwas sa mga naglabasang ulat.

Ayon kay Lani Tesorero,hindi rin daw nila sinisisi ang talent manager ni Mahal na si Jethro dahil matagal na rin daw nila itong kilala.

Ayon naman sa isa pang kapatid ni Mahal na si Jason, mahirap man ay tanggap na nila ang nangyari.

“Wala naman kaming sinisisi o sinumang sinisisi sa nangyari. Ito ay kaloob sa atin ng Panginoon.

“Kung nangyari man ‘yun ay napaaga lamang.

“Kung may sinasabi sila na sinisisi namin si ganito, si ganyan, wala po kaming sinisisi kasi although masakit sa aming pamilya na nangyari ‘yun kay Mahal, tanggap naman po namin ‘yun. 

“Kung sinasabi ng mga fans na sinisisi namin si Mygz ay hindi.

“Nagpapasalamat pa nga kami sa kanila kasi hanggang sa huling hininga ni Mahal ay hindi sila tigil at wala silang sawa na maghanap ng paraan paano maisasalba ‘yung buhay ni Mahal.”

Nagpasalamat din ang magkapatid kay Mygz at sa pamilya nito sa ginawa nilang pag-aalaga kay Mahal noong nabubuhay pa ito hanggang sa mga huling sandali nito.

“Thank you sa pag-aalaga sa kapatid ko saka sa mga time na buhay pa siya. Masayang-masaya siya na nasa inyo tsaka maraming salamat rin sa pag-iintindi mo sa kanya. Minsan kasi pasaway rin kasi ‘yun. Maraming maraming salamat talaga. Sa huling buhay niya, inalagaan mo, hindi mo iniwan ang kapatid ko.”

Sa kasalukuyan ay naka-quarantine si Mygz at naghihintay ng schedule para sa kanyang swab testing upang makasiguro na negatibo ito sa virus.

Si Mygz ang kaibigan ni Mahal na dati nang natsitsismis na boyfriend at live-in partner nito.

Nilinaw na nila dati na magkaibigan lamang sila at tinutulungan ang isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: