Usap-usapan sa social media ngayon ang nakakalungkot na sinapit ng isang mag-partner sa Santiago City.
Bago pa kasi sumapit ang nakatakdang araw ng civil wedding nina James Eden at Angela Durias sa September 2 ay pumanaw na ang lalaki dahil sa asthma noong August 25.
Kaya naman ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay naging araw ng libing nito.
“Hindi ito ang in-imagine kong mangyayari sa araw ng kasal natin. Maraming araw kitang nakikitang napapagod, Daddy, pero ‘di kita nakitang sumuko. Ngayon lang.
“Alam kong may plano ang Panginoon para sa atin, lalong-lalo na para sa mga anak natin… Alam naming anghel ka na namin ngayon.”
Agad na umani ng reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing pangyayari.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Grabe. Nakakadurog ng puso.”
“Di ko siguro kakayananin kung sa akin nangyari ito.”
“Saty strong, ate. For sure, may angel ka nang laging nakabantay sa inyo.”
“Grabe. Naiyak ako sa balitang ito nang mapanood ko.”
“Yung araw na masaya sana sila pero kabaligtaran ang nangyari.”
“Sobrang sakit mawalan ng mahal sa buhay. Sa ganitong pagkakataon pa.”
“Masaya lang sana sila sa araw na yun, napalitan ng paghihinagpis.”
“Sobrang sakit talaga mawalan ng mahal sa buhay lalo na kasama mo sa araw araw ..hindi mo alam kung paano ka magsimula muli .”
“Bkit ganon nawala lhat ng mga pinag hirapan nyo isang iglap lng”
“napakasakit na mawala ng asawa parang bang pasan mo ang mundo marmi ka tanung kung bakit sya pa kinuha pero may plano si god”
“Tanging diyos ang nakakaalam kaya para di na mahirapan kaya niya kinuha ang lalaking pakakasalan mo magpakakatatag ka Ma’am masakit ang mawalan ng mahal sa buhay lalo pa yung magiging katuwang mo sana siya sa lahat ng bagay.”
“Wla ng sasakit pa sa ganyang sitwasyon ate sna gabayan ka sna ni lord sa pagsubok mo ngyun sa bhay kya mo yan kc dian si god lagi sa tbi pra alalayan ka”
“Kawawa nmn malapit na pala ikasal cla …..mahal na mahal nila ang isat isa wala iwanan”
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Please follow our Facebook page:
https://facebook.com/thepinoydaily