Video ng ‘doble turok’ ng bakuna sa isang babae, nag-viral sa social media

Nag-viral sa social media ang video ng isang babaeng nagpabakuna sa SM Cauayan City noong August 20.

Agad itong naging usap-usapan ng mga netizens dahil sa nangyaring ‘doble turok’ sa nasabing babae.

Sa video ni Chrissy Nicole, makikita ang dalawang beses na pagtuturok ng syringe sa kanya.

Kita sa video na sa unang beses ng pagtusok ng karayom sa kanya ay hindi napindot ng nagbabakuna ang syringe.

Inulit ito sa ikalawang pagkakataon at doon pa lamang naging maayos ang pagbabakuna.

Ayon kay Chrissy, hindi rahumingi ng paumanhin sa kanya ang nagbakuna.

Agad nag-viral ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Ouch! Paano na lang kung sobrang takot ka sa bakuna tapos dalawang beses pa.”

“Mas maganda sana sa nagpapaturok kayo mismo ang magcheck ng ituturok sa inyo. Tingnan before and after yung syringe kung naiturok nga yung laman. At para mas makafocus yung nagtuturok pag walang nagvivideo. Di naman sasadyaing dayain ng nagtuturok yan dahil alam nyang naka video sya. Malamang nalito lang sya dahil agaw atensyon din yung may nagvivideo pa sa kanya.”

“ayan na…pagod na yan dapat pinapalitan every 20 na tao kada turok kasi yan absent minded na… DOH concern ung medical person dapat maasikaso nyo”

“Naku nman baket ganyan? Hindi pwede nakalimutan o pagod? Baka mamaya gamitin nya sa ibang tao Yung syringe e Kung may mga HIV na saket yun.d nagkahawaan na.mas Malala pa makukuha mo saket kesa sa covid.wag nman gawun sa kapwa un Kung ayaw nyo gawin sa inyo”

“dala na siguro ng kapagudan ng mga medical front liner kaya nalilito na din sila”

“Nakupo! Wag sna ganito un nangyre saken wla k naramdaman khit un tusok ng karayom prang dinikit lng tpos wla rng side effects na khit ano..hays dpat tlga vinideo k nlng”

“Sinadya nya yan na wag sana ibigay,, ,,, hndi dhil pagod or something. Nung nakita nia na naka video at mahuhuli xa inulit nia ulit para maibigay.”

“Nakita kasi niya na naka video pala kaya itunorok nalang niya pera na naging bato pa.”

“minsan maintindhan mo rin nappagod din cla n mga frntliner pero ito halata na sinadya”

“Pinaulit ulit ko po panoorin to..khit saang angulo ko tingnan Hindi Pagod si Kuya..”

“Npaka imposible naman cgro nah mkklimutan mong pindutin.. Ndi nman pabilisan yan para mataranta ka at maklimutan o khit pagod kna.. Ndi nman cla nagbubuhat ng kung anu2 gaya sa construction na sobrang pagod tlga as in..”

“Doble ingat po kuyang! Kung pagod na di masamang magpahinga..rest din para di pumalpak..sa mga people check nyo din kung naiturok ang gamot para di nman masayang pagod nyo sa mahaba pila..”

“Dapat po alisin po sya sa nag tuturok ng bakuna, aasa ka na nabakunahan kna yon pala karayom lang ituturok sayo hnd vaccine.. o i suggest dapat bago at pag katapos ibakuna ipakita yong vaccine kung naiturok SOP dapat.”

“Kung wala ung video nakalusot ung turok. Na walang laman, talaga nmn o dapat ipakita yn sa lahat na huwag nmn kau ganyan”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: