Bilang pagbibigay-pugay sa tinaguriang “pambansang kamao ng Pilipinas” na si Manny Pacquiao, gumawa ng isang kakaibang obra ang isang artist mula sa Samar.
Sa kanyang facebook post, ipinagmalaki ni Mark Noel Daras ang kanyang alay kay Pacquiao.
Lumikha siya ng isang imahe ni Pacquiao na gawa mula sa tinapay.
Narito ang kabuuan ng kanyang post.
“Indeed, win or loose he is still a legend. no matter what happened, you are truly legend in the world of sports.
“saludo parin kami sa iyo not only the Philippines but also the whole world.
“hindi matatawaran ang binigay mong karangalan sa ating bansa.
“We respect & Honor you Sen. Manny Pacquiao, You will be forever Legend, MABUHAY!”
Tinawag ko itong Bread Toast Art dahil ang ginamit ko dito ay tinapay at kandila, sinunog ko ito hanggang sa maka buo ako ng imahe, sana magustuhan nyo, ART HAS NO LIMIT!”
Mabilis na nag-viral sa social media ang nasabing post.
May ilang netizens na agad bumatikos dito at nagsabing sayang ang tinapay na ginamit sa nasabing art piece.
Agad din naman niyang sinagot ang ilang negatibong komento tungkol sa kanyang obra.
“Sa lahat po ng nagsasabi ng negative comments sa obra ko. expected ko na po iyon nung una palang.
“alam ko na una palang na maraming manghihinayang at masasayangan.
“so una po this is art, i want to show and express my creativity po.”
“Art has no limit po, walang hanggan.
“malaya ang art kung hanggang saan ang kaya nating gawin nagpapaka hipokrito lang talaga kayo.
“mas pinupuna nyo yung paggamit ko ng tinapay as a canvas, but i also respect your opinions po. Thank you parin, Padayon!❤️
“PS: Remove your crab mentality because art can give you a beyond your wildest imagination to think something up”
Nakakuha rin naman siya ng kakampi sa ilang netizens na ipinagtanggol siya laban sa ilang bashers.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“hay naku mas mahal sa tinapay ang acrylic paint at oil paint oil, ang babaw ng issue, appeciate din pag may time, kaya nga hanggang dito lang tayo kasi masyadong maraming nega ever!”
“Art still art, kahit ano pa medium. Siguro wala silang subject ng Art Appreciation noon sa College kaya ganyan sila mag-isip. Kahit un walang pinag-aralanan pede makaunawa sa estado ng buhay ng tao. Kung gusto nyo, masunod un materials na ipopost, eh di gastusan nyo.”
“Awit Hindi nman sainyo hiningi pambili ng tinapay . Dami alam .”
“Don’t mind short minded people. They are all very common with their usual normal way of thinking & analysis.”
“You cannot put a monetary value on an art work”
“Who cares..choice nya yan..kung sino man yang mga netizen nayan na nagbush sa Kanya ang tawag dyan inggit…Hindi nman atah sya sainyo humingi ng pambili ng tinapay.”
“pera niya ang ginamit niya sa paggawa ng kanyang art. We should not judge others by the way they spend their own hard earned money.”
“Only means that he is creative. Act to express his feelings. And who care’s he used bread to create his artwork, we care if he asked to us to buy.”
“Every artist has their own medium to express their artistry.”
“Eh yung mga gumagawa ng vlog na nag sasayang ng pagkain tuwang tuwa kayong pinapanood nyo. Wtf!”