Transformation ng internet sensation na si Madam Inutz, hinangaan ng netizens

Usap-usapan ngayon sa social media ang naglabasang larawan ng sumisikat na internet sensation na si Daisy Lopez na mas kilala bilang Madam Inutz.

Matatandaang nagsimulang makilala si Madam Inutz sa nag-viral na mga online selling videos niya na labis na kinaaliwan ng mga netizens.

Kakaiba kasi ang naging istilo niya sa pagtitinda kung kaya naman dinagsa siya ng viewers kahit na iilan lang ang bumibili sa mga ito.

Dahil sa tinatamasang pagsikat, nagsimula na rin siyang mag-guset sa ilang TV shows at YouTube vlogs.

Kamakailan ay na-interview na siya sa GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nag-guest na rin siya sa vlog nina Ogie Diaz, Ethel Booba, Wilbert Toilentino, at iba pa.

At kamakailan nga ay ipinasilip ni Madam Inutz sa kanyang social media followers ang naganap na kauna-unahan niyang photoshoot.

Sa nasabing post, pinasalamatan niya si Wilbert na tumatayo na rin bilang manager niya.

Ipinangako niya rin dito na hindi lalaki ang kanyang ulo at palagi siyang makikinig sa mga payo nito.

Agad namang nag-viral ang mga larawan na kuha mula sa nasabing photoshoot.

Hinangaan ng netizens ang nangyaring transformation kay Madam Inutz.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Wow! Mas lalo siyang gumanda!”

“yan ay talagang naka takda para sayo madam inutz dhil mabait kng anak at kapatid sana di ka mag bago ng pagtulong sayong pamilya marami pang darating na biyaya sayo”

“Wow Ang ganda mo pla madam inutz….ako lng b Ang nakakakita kahawig Niya c Thalia Ng Mari mar…oh Mali lng ako Ng tingin…more power Madam inuts….”

“napakatotoong tao kasi kaya nakuha nya ang puso ng masa. wag ka po sana magaya sa iba na kung gaano kabilis sumikat ganun din kabilis lumaki ang ulo. Stay humble po and more blessing to come madam inutz!”

“ganyan po tagala pag may pgmamahal sa magulang pinagpapala talaga Good luck sau madam inutz… im happy for you.. ikaw na ang celebrity of the year.. good job oh diba…”

“Ulirang anak.. Mapag mahal sa magulang.. you deserved the blessings coming in..,yan kpalit ng kabutihan mo Sa magulang..more blessings to come.”

“iba tlga pg dumating ang swerte lahat ng yan para s mga anak nya at sknyang ina”

“Sana nga magtuloy tuloy ang blessings ni madam inutz.. hindi ung sa umpisa lang sya tutulungan….”

“Yes when you are good person all the opportunities will come to your way.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: