Food delivery rider, humingi ng tulong matapos ang pakikipagtalo sa isang lady guard

Nag-viral sa social media ang isang video ng pagtatalo ng isang food delivery rider at isang lady guard ng isang sikat na mall sa Quezon City.

Sa Facebook post ng delivery rider na si King Jhon Lingat, iditnetalye niya ang naging engkwentro nila ng nasabing lady guard.

Narito ang kabuuan ng nasabing post.

“Sana po matulungan ako maaksyunan yung ginawa saking panghaharass ng isang security guard sa SM North habang ako po ay marangal na nagtatrabaho.

“Sir raffy tulfo patulong naman po!! Sinaktan po kasi ako ng isang guard sa sm north po kwento ko po yung nang yare

“Kasi po sir raffy nasa biyahe po ako sobrang init po may booking po ao sa aristocrat kaya po pumasok na ako may nakita po akong ice cream bumili po ako ngayon po pag kabukas at pag kakagat ko nagulat ako may sumigaw sakin ang sabi “hoy diba bawal ang dine in” ang sabi ko “ay sorry po nakangiti sabay sabing ubosin ko lang po ito” tas sabi jiya “ANO AKO MAG AADJUST SAYO? GUSTO MO KUMAIN LUMABAS KA DITO” edi sabi ko po sige itatapon ko na lang po”

“pag katapon ko ng ice cream sumigaw at sabi dun sa merchant WALA PABA YUNG ORDER NETO at nung damating na yung order ko palabas na po ako merchant pag labas ko ng merchant nag iiskandalo parin syempre po napapahiya na ako at sabi ko mali na to kaya nag video ako at ito na yung ginawa sakin habang nag vivideo ako. para saakin hindi naman po tama na ganyan ang paraan ng paninita.

“Grab driver po ako sir raffy. Sir raffy samantala po yung mga ibang customer sa mall nasupsup ng milktea ang ayos nila sitahin samantalang kaming mga riders ganyan sila samin

“Dinala pa ako sa kung saan at pinilit na burahin yung video sa cellphone ko. Sana po matulungan niyo po ako.”

Agad na nag-viral ang nasabing post at umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Hoy ung*s lahat tayo may karapatan mag video Lalo na kong inaabuso ka tulad nito…”

“Kung wala namang ginawang mali, bakit kailangang ipabura ang video? Ano bang itinatago?”

“Pinatutupad lang Ng lady guard ang rules and regulations Ng SM…Tama ang lady guard n bawal mag vedio s isang tao…kung matapang k lalaki nakiusap k Ng mayos babae lang ang kaharap mu”

“Bakit kasi lahat na lang ibini-video?”

“May karapatan ngayon nga mag vedio ang isang tao lalo na sa alangann lalo na sya sinaktan”

“gumawa ka ng bagay sa isang delivery rider ngayon takot kang ma videohan lukar*t ka pala”

“Baka may ginawa talaga sa delivery rider kaya ipinapabura ang video?”

“Ipinapatupad lang naman ng guard ang policy. Sumunod ka na lang.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: