Usap-usapan ngayon sa social media ang Facebook post ng Pinoy rock legend na si Mike Hanopol.
Sa nasabing post, tahasan niyang sinabi na may utang pa rin na hindi pa nababayaran sa kanya ang tinaguriang “pambansang kamao ng Pilipinas” na si Manny Pacquiao.
Ayon sa kanya, nagpagawa noon ng Hebrew songs sa kanya si Pacquaio ngunit hindi pa rin nababayaran hanggang sa ngayon.
Narito ang buong post:
“Sabi Pacman gusto nya makatulong di Importante ang pera sa kanya e bakit ayaw mo ako bayaran nagpagawa ka ng hebrew songs sa akin i spend money on studio and musician di mo naman ako binayaran san ang tulong na sinasabi mo di ka na naawa matanda na ako niloko mo pa ako”
Sinabi rin niya na maraming beses na siyang bumalik sa opisina ni Pacquiao ngunit wala ring nangyari.
Isang netizen naman ang nagkomento na baka nakalimutan lang ni Pacquiao ang nasabing usapan nila ni Mike.
Sagot naman ni Mike, mahirap itong makalimutan dahil recorded ang kanilang usapan.
Sa isa pang komento, sinabi rin ni Mike na ang kapwa singer-composer na si Lito Camo na ang nag-aasikaso ng lahat.
Hiningi na umano ni Lito ang mga detalye hinggil dito.
Agad namang dinagsa ng mga komento mula sa netizens ang nasabing post.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Ayun ang masama sa Nagpapanggap na makadiy0s makatao at makabayan. Kung ikaw sir niloko na kami pang mamamayan na di kilala”
“grabe naman pala”
“nakamaskara yang si paquiao ..hindi totoo..plastk!!!!”
“grabe si pacman, sana makarating ito sa kanya…”
“Marami talagang taong ganyan mapagkunwari”
“Gungg0ng pla yan sinungaling pala talaga alam na dis”
“Babalikwas sa kanya yan pag di nya inayos si tata mike!”
“May tsismis nga na yung mga dating kaibigan ni Pacquiao ay di na nakakalapit sa kanya mula nung yumaman.”
“hala sir idol bakit ganon idol ko pa naman din c sen.manny . sana mabayaran na po kau.. pray po natin yan sir idol ah”
“dami nyang pera eh,tapos yung pinagawa nya di nya mabayaran?”
“Ganon???kapal ng mkha ni pacman ano?dapat hindi iboto yan….ambisy0so.”
“Kung sa Kanya hindi na mahalaga ang Pera, may mga tao nman na nangangailangan ng Pera..”