Customer sa viral ‘lechon package’ video, irereklamo ang lahat ng namba-bash sa kanya?

Iginiit ng customer sa viral video na may kinalaman sa lechon package na siya ang naging biktima sa insidente.

Pinayuhan din ni Maria Hofilna ang mga netizens na maging maingat sa paggamit ng social media lalo na sa mga patuloy na namba-bash at nambu-bully sa kanya.

“I AM THE VICTIM…

“I am advising the netizens listening now, be responsible using your social media if you don’t want trouble because it’s real, there is law and you will be prosecuted.

“Ignorance in the law are no excuses’ no one is above the law.”

Maaari raw niyang ireklamo at sampahan ng kaso ang mga netizens na patuloy na nagshe-share ng kanyang video at ng iba pang memes na may kinalaman sa issue.

Simula kasi nang mag-viral ang nasabing video ay dumagsa na ang memes patungkol dito na karamihan ay nakasentro sa pamba-bash at pambu-bully sa kanya.

Matatandaang nag-viral ang video na ini-upload ng online seller na si Marjorie Alison matapos umanong tumangging magbayad ang customer sa balanse nito sa inorder na lechon package.

Aniya sa kanyang post:

“Si madam ayaw magbayad kinain lechon package ko ayaw mag full pay kasi hindi daw satisfied pero kinain lahat lechon package ko.. asan hustisya ng mga small business owner lalo na sa online lang naghahanap buhay”

Agad namang nag-react ang mga netizens sa sinabi ng customer na maaari silang ireklamo nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

”Andami naman palang pera. May pangsampa ng reklamo pero walang pambayad ng kinain.”

”Sana alam mo ate kung ano ang pinagmulan ng lahat ng ito.”

”Wag ka pavictim ate kasi kita naman kung anong totoo.”

”Di ba sabi ng pulis nung nagreklamo ka na hindi libelous ang video? So anong irereklamo mo ngayon?”

”Iba talaga ang angas ni ate ah.”

“Nagsimula lang yan sa pagtanggi mo sa pagbabayad. Sisikat ka talaga.”

”Afford ang abogado pero hindi kayang bayaran ang handa?”

”Eh di iisa-isahin mo ang libo-libong nag-share? Baka milyon na nga eh. Haha”

”Pavictim ka ate? Hahahaha”

”Wala ka nang magagawa ate. Andun sa seller ang simpatya ng tao.”

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!