Umapela sa publiko ang babaeng customer na nasa viral ‘lechon package’ video at sinabing siya ang biktima sa nangyari.
Matatandaang nag-viral sa social media ang isang Facebook Live video na ini-upload ng online seller na si Marjorie Alison.
Sa nasabing video ay makikita ang pagdidiskusyon ng online seller at ng customer nito na si Maria Hofilña na umano’y tumangging bayaran ang balanse nito sa inorder na food package.
Ayon sa caption ng nasabing viral post:
“Si madam ayaw magbayad kinain lechon package ko ayaw mag full pay kasi hindi daw satisfied pero kinain lahat lechon package ko.. asan hustisya ng mga small business owner lalo na sa online lang naghahanap buhay”
Mabilis na nag-viral ang nasabing post at umani ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens.
Nakarating na rin sa programa ni Raffy Tulfo ang nasabing issue.
Nagsampa na rin ng reklamong alarm and scandal ang customer laban sa online seller.
Dahil na rin sa nasabing video, nagsulputan ang iba’t ibang memes na may kinalaman sa customer.
Mabilis ding kumalat ang mga memes na ginawang katatawanan ang nangyari.
Dahil dito, nagbigay ng mensahe sa publiko ang customer sa viral video.
Ayon sa kanya, siya ang biktima sa nangyari.
Nagbabala rin siya sa mga netizens na patuloy na nagshe-share ng mga memes at video tungkol sa kanya.
Panoorin dito ang kanyang naging pahayag.
Umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang nasabing pahayag.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
”Paanong siya ang naging biktima? Eh kagagawan naman niya kung bakit sya nababash ngayon.”
”Ano bang inexpect niyang reaction ng netizens? Kampihan siya? PAtawa pala eh. HAHA”
”So magsasampa siya ng reklam0 sa lahat ng nag-share at nambash sa kanya? Hahaha! Gudlak.”
”Sana naisip niya yun bago siya gumawa ng eksena. Hahaha”
”Ako nahihirapan sa pag-ienglish ni ate.”
”Be responsbile daw? Hahaha! Magbayad ka muna ate bago mo sabihan ang netizens na be responsible.”
”Yan. Deserv naman.”
”Sa maliit na halaga na ayaw bayaran, ganyan ang inabot.”
”karma is digital na ate.”
”Millions na ang views at thousands na ang shares. So, paano mo hahabulin yun?”
”Mukha naman pala siyang mayaman talaga. Anyare?”
Ano ang masasabi mo tungkol dito?