Rudy Baldwin, sumagot sa tanong ni Xian Gaza kung bakit hindi nahulaan ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Olympics

“Ano ang kinalaman ko dyan sa Olympics?

”Bawat ba galaw ng tao dapat ipakita ng vision ko?”

Ito ang naging sagot ng kilalang Filipino psychic at visionary na si Rudy Baldwin matapos isyang kuwestiyunin kung bakit hindi niya nahulaan ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics 2020.

Matatandaang nag-post ng mensahe para kay Baldwin ang social media personality na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian Gaza.

Tinatanong nito kung bakit hindi nahulaan ni Baldwin na mananalo si Diaz.

“Bakit yung lindol sa Batangas last July 24 ay na-vision mo kuno pero yung tagumpay ni Hidilyn Diaz ay hindi? Ahh… kasi nag-alburuto nga pala yung Bulkang Taal earlier this month kaya may pa-sinkhole kemerut boom boom pow ka pa diyan at bumubulang sabon sa lupa haha. Posibleng-posible talaga ang lindol sa paligid ng Taal Lake anytime.

“Bakit yung pagkamatay ng komedyanteng si Ate Shawee (Sharon Cuneta’s impersonator) ay na-vision mo kuno pero yung kauna-unahan ginto natin sa Olympics ay hindi? Ahh… kasi nabalita last weekend na sobrang lubha na ng kanyang kalagayan at maaari nang mamamatay anytime kaya nilabas mo ang iyong vision chenelin last Monday. Hindi naman kasi nabalita noong Lunes na maaari nating masungkit this Tuesday ang first olympic gold ng Pilipinas kaya hindi mo talaga ito mavi-vision hehe.”

Agad naman itong sinagot ni Baldwin sa comment section ng nasabing post.

“Natatawa ako sayo .ayaw ko sabhin sayo _ ka.pero ikaw na mismo naglatag yan sa sarili mo??ano nga pala pinaglaban mo??ang maganda mong profile o ang kit*d ng utak mo.

”ano kinalaman ko dyan sa olympics .bawat ba galaw ng tao dapat ipakita ng vision ko?

”tandaan mo vision meron ako .kung ano lang makita yon lang pwedi ko sabhin.”

Agad na umani ng samu’t saring reaksiyon at komento mula sa netizens ang nasabing sagutan ng dalawa.

NArito ang ilang tweets ng netizens hinggil dito.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: