Rudy Baldwin, kinuwestiyon kung bakit hindi nahulaan ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz

Tila nakahanap ng katapat ang kilalang Filipino psychic at visionary na si Rudy Baldwin.

Ito ay nang magkasagutan sila sa Facebook ng isa pang controversial social media personality na si Xian Gaza.

Naunang nag-post si Xian sa kanyang Facebook account at kinuwestiyon niya ang sikat na psychic kung bakit hindi nito nahulaan ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics 2020.

Narito ang kanyang post:

“Bakit yung lindol sa Batangas last July 24 ay na-vision mo kuno pero yung tagumpay ni Hidilyn Diaz ay hindi? Ahh… kasi nag-alburuto nga pala yung Bulkang Taal earlier this month kaya may pa-sinkhole kemerut boom boom pow ka pa diyan at bumubulang sabon sa lupa haha. Posibleng-posible talaga ang lindol sa paligid ng Taal Lake anytime.”

Binanggit din niya ang pagkamatay ng isang komedyante at impersonator na sinasabi ng ilan na nahulaan din umano ni Baldwin ang pagkamatay.

“Bakit yung pagkamatay ng komedyanteng si Ate Shawee (Sharon Cuneta’s impersonator) ay na-vision mo kuno pero yung kauna-unahan ginto natin sa Olympics ay hindi? Ahh… kasi nabalita last weekend na sobrang lubha na ng kanyang kalagayan at maaari nang mamamatay anytime kaya nilabas mo ang iyong vision chenelin last Monday.

“Hindi naman kasi nabalita noong Lunes na maaari nating masungkit this Tuesday ang first olympic gold ng Pilipinas kaya hindi mo talaga ito mavi-vision hehe.”

Sinabi din ni Xian na may ibubunyag siyang ikagugulat ng lahat.

“RUDY BALDWIN EXPOSÉ by XIAN GAZA this coming Sunday sa NYAEM Facebook page! Magugulat kayo sa inyong malalaman! Abangan!”

Hindi naman ito pinalampas ni Baldwin at nag-comment siya sa mismong post ni Xian.

“Christian Albert Gaza PROVE IT !anyway nga pala ikaw ba nag founder ng amulet na gamet name at picture ko .sa pag kakaalam mrami ka ata kaso bilang scammer .well yon ang sabi nila.pero kung ikaw man ang scammer na nag binta ng amulet na gamet name at picture ko .i dont surprise kung bakit galit ka🙂🙂🙂ikaw ba???”

Muli naman itong sinagot ni Xian.

“Rudy Baldwin ayan bang lint*k na amulet amulet na yan ay lampas ng limang milyong piso para pagaksayahan ko ng panahon? If yes, let’s say ako nga… sino naman ang mabebentahan ko ng “Rudy Baldwin Amulet” para gawin kitang brand ng isang produkto? Si Kylie Jenner ka ba? Hindi pa naman ako gano’n kat*nga.”

Muli namang sumagot ang psychic dito.

“abangan sa Sunday??ako tinakot mo?? Bakit sino kaba??kawawa ka namang nilalang mag dasal kana lang .halata kang walang ginawa sa buhay kundiaging CCTV.wag mo ako takutin wala sa bukabularyo koaging matakot .dahil me DIOS ako na kakampi.Godbless”

 

Hindi pa rin nagpatinag si Xian at muling binaggit ang sinasabi nitong expose laban sa psychic.

“Rudy Baldwin ayhieee kinakabahan na yan hue hue good morning Madam Vision! Abangan sa Sunday ha? Muah!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: