Blooper ng ‘Eat Bulaga!’ contestant, nag-viral sa social media

Viral sa social media ang video ng isang ‘Eat Bulaga!’ contestant dahil sa isang pagkakamali nito.

Sa “Bawal Judgemental’ segment kasi kung saan siya kasali ay segment ng katapat na programa ang nabanggit ng babae.

Kasali rin noon sa nasabing segment ang ilang celebrities na naging contestant dati sa ‘Eat Bulaga!’ bago naging artista.

Nanag tanungin ng isa sa mga hosts na si Maine Mendoza ang babae kung saan kasali ang isa sa mga celebrity guests na si Joel Palencia, dito na nagkamali ng sagot ang babae.

Sa halip kasi na magbanggit siya ng mga segment sa ‘Eat Bulaga!’ ay isang segment sa ABS-CBN noontime show na ‘It’s Showtime’ ang nasabi ng babae.

“Sa ano po… sa Bidaman po.”

Hindi agad nakapagsalita si Maine at ang co-host na si Paolo Ballesteros ang sumagot.

“Taray! Sa Showtime ‘yon.”

Dinugtungan din ito ng co-host na si Jose Manalo at sinabing baka iba ang napanood ng babae.

Narito ang ilan sa mga naging reaksiyon ng netizens sa nasabing blooper.

Kinaaliwan

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: