Nagsampa na ng reklamo ang customer sa viral video na tumanggi umanong magbayad ng inorder na lechon package mula sa isang online seller.
Matatandaang nag-viral ang isang Facebook Live video na ini-upload ng online seller na si Marjorie Alison.
Makikita sa video ang pagtatalo ng online seller at ng customer na umorder ng lechon package.
Tumatanggi itong bayaran ang balanse ng inorder na pagkain dahil hindi umano ito satisfied dito.
Nag-file ng reklamong alarm and scandal ang customer na si Maria Amy Hofilña sa Mabolo Police Station.
Samantala, dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo ang inirereklamo na ngayong online seller na si Marjorie.
Aakuin na ni Tulfo ang pagbabayad sa balanse dahil hindi rin nila nakausap ang customer na kasalukuyan umanong nagmamaneho nang tawagan ng programa.
Patuloy na umaani ng views at komento mula sa netizens ang nasabing viral video.
Narito ang ilang komento ng netizens (published as is).
“Siya pa ang may ganang magreklamo ngayon? Patawa pala si ate. Hahahaha”
“Napahiya siya dahil sa video? Pero kung walang video, walang ebidensya si ateng seller. Baka siya pa ang mabaligtad.”
“May pambayad sa lawyer pero walang pambayad sa pagkain? HAHA”
“Mahal po ang baboy ngaun yaman yaman mo dmo alm presyo ng lechon ngaun ka lng ba nkaorder nyan sana kung d kau satisfied sa deniliver sana binalik nyo na lng dnyo na kinain kinain nyo na ayw nyo byran mahal tlga online ngaun kpg deliver sana kau na lng nagluto”
“Gnum po tlaga pg package kinuha nyo mhal tlaga sna hde n kyo umorder kyo nlng ngluto pti lechon kyo nrin ngluto grbe kya hirAP mgiihaw ng buoNg lechon te mukha kp naman mayaman bkt hirap kn mgbyad sanla m kwintas m ateng”
“bayaran nyo nlang kung d kau satisfy d wag nkau umulit sakanya kinain nyo nman dapat nyo bayaran kung sana po d nyo ginalaw ung pagkain ok lang kaso po kinain nyo n kaya wag n magreklamo”
“Magulang at kuripot yung umorder or nag pacater ng order sainyo ate.. Yu lechon nga lang 10k na eh.. Yung iba pang food..”
“Nakakahiya ka nandyan pa naman mga bisita mo nagpakain ka nagpagarbo tapos mkipag away dahil yong amount di tugma sa quantity ayaw magbayad ng balanse hahaha. Pagnag order ka ng pagkain sana tinanong mo kung gaano karami ? Pati mga bisita mo nakisawsaw rin. Negosyante rn pala daw sya. Sa pagkain po maraming binabayaran, nandyan yong tga hiwa, tga luto tga deliver.”
“Ang ganda nang suot yayamanin gumayak walang pambayad nakakahiya yan dyosko nag hahanap buhay sila wag na kase mag lechon kung walang pambayad lechon manok mas mura”
“di man naka.intindi ng package ang shunga akala nya every putahi good for 50 to 60 person t*nga t*nga lang mag bilang ng bilihin pati pagod ng tao gusto ata libre amputa naman di nahiya”
“hndi raw na satisfied sa lechon… anak ng tokwa.. eh bkit yung itsura ng nka pulang dress mukang busog na busog sa lechon”
Panoorin ang episode ng Wanted sa Radyo tungkol dito.