Nag-viral sa social media ang isang video ng customer na tumangging bayaran ang inorder nitong lechon package dahil hindi umano ito satisfied sa pagkain.
Sa video na ini-upload ng online seller na si Marjorie Alison, sinabi niya na ayaw magbayad ng customer kahit na nakain na nito at ng mga bisita nito ang inorder na mga pagkain.
Ini-upload niya ang video sa pamamagitan ng Facebook Live.
Ang sabi niya sa caption:
“Si madam ayaw magbayad kinain lechon package ko ayaw mag full pay kasi hindi daw satisfied pero kinain lahat lechon package ko.. asan hustisya ng mga small business owner lalo na sa online lang naghahanap buhay”
Umabot umano ng P18,000 ang na-order na pagkain.
Kabilang dito ang 8 food trays ng iba’t ibang putahe, 2 fruit trays, at isang malaking lechon.
Ang nabayaran lamang ay ang down payment na P9,000.
Agad na nag-viral ang nasabing video at umani ng komento mula sa netizens.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Kung di nyo nagustuhan ung diniliver sa una pa lang dapat pinabalik nyo na. di ung nagreklamo kau kung kelan halos ubos nyo nA..jusko maawa naman kau sa tao hirap at pagod pera at puyat puhunan..ang tunay na mayaman di nakikita sa mga kinang ng alahas..nasa ugali yan madam.”
“Dapat nga kng di gusto ang food na diniliver pina Cancel nalang or pina return nalang kaso hindi e,akala makalusot sila at ma budol nila si Madam Seller kaso magaling si Madam na tama lang na ipaglaban niya dahil pinuhunanan niya nga naman niya yon”
“Package nga po madam parang hinde nmn sa knya karapat dapat mag suot ng kumikinang nayan.nagahanapbuhay ang tao…..hinde daw sya nasarapan….”
“Mga walang pera yan husto lang sa payabang mandur*gas naman wala silang kw*ntang tao feeling rich wala naman palang pambayad mah*ya kanaman babaing mataba kung anong pang*t na mukha mo pang*t din ang ugali mo nabusog kana kaya ayaw mo ng magbayad balas*bas”
“Yuckkk kadiri kumakain ng di fully paid tas naghhanap ng mga online sellers na aabus*hin na nagawa ng paraan para mabuhay in the midst of pandemic. Yuck. Sila yung tunay na virus sa mundong to. Virus na nakapusturang tao. Kadiri. Sila un mga dapat pandirihan.”
“Kawawa si Ate, hirap siya magluto, dugot pawis at puhunan, tapos yung umorder lalamon lang, di kaafford magbayad ang buang, dami alahas, feeling mayaman, 18K lng, di niya kaya bayaran…lakas ng trip mo!! Nilamon mo na tapos sabihin mo hindi worth dapat binalik nio nlng pagkain, hindi niyo muna nilantakan..”
“Mahiya kayo feeling mayaman nd naman makabayad nang pinakain sa mga bisita mag isip kayo sa jolibee o kahit saan pag package na yun na yun ang presyo madismaya man kong konti ganon talaga ang presyo..”
Panoorin ang nasabing video dito.