Jinkee Pacquiao, humingi ng paumanhin dahil sa pagkakamali sa watawat ng Pilipinas

Idinaan sa isang Instagram post ni Jinkee Pacquaio ang paghingi ng paumanhin dahil sa pagkakamali niya sa kanyang Instagram stories.

Maling bandila kasi ang nagamit niya sa pagbati sa tagumpay ni Hidilyn Diaz na nakakuha ng unang gintong medalya ng Pilipinas mula sa Olympics.

Sa halip na bandila ng Pilipinas ay bandila ng bansang Sint Maarten ang nagamit niya.

Bagama’t halos pareho ang kulay at disenyo, kulay pula ang nasa ibabaw na bahagi ng bandila ng Sint Maarten at kulay asul ang nasa ilalim. Wala rin itong araw at tatlong bituin.

Sa kanyang IG post, sinabi ng maybahay ni Manny Pacquiao na hindi niya sinasadya ang nasabing pagkakamali.

“Pasensya na po sa mali na flag ang napindot ko sa ig stories ko kahapon. ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™ (forgive me ๐Ÿ™#philippines๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ )

“That was unintentional.”

Bago pa man niya maitama ang pagkakamali ay maraming netizens na ang agad na nakapansin nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga tweets tungkol dito.

Maging sa Facebook ay may ilang netizens ang pumuna sa nasabing pagkakamali.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Parang ang hirap isipin…..kahit sino proud sa nagyari dahil 1st ever olympic gold medal ito ng philippines…..since lahatbtayo nakatutok sa olympic games..paano naman nag karoon ng bandera ( flag ) from other country..tapo s inji wave at ipipost mo pa instagram na dnagad napansin mali ………its not a.mistake talagang ginawa yun para.mapansin …..,.”

“Normal lang naman yan nagkakamali tayo sa pagpindot”

“Okay lang po yan maam Jinky at least naitama niyo po”

“Filipino sya para di malaman ang flag ng pilipinas ..saka gov’t official sya ..dapat kabisado nya ang phil.flag.sinadya o hindi ..mali parin dahil ginawa nga nya.kabisaduhin muna nya ang phil.flag dahil mula elementary gang ngayon na vice governor sya ay kumakanta sya ng national anthem gang sa laban ni pakyaw sa harapan nya ay phil.flag…magaral ka muna.”

“papansin lng yn kc mtgal ng wlng isyo sknya kau nmn xado kau mpanghusga”

“Pnu p kung maging 1st lady… even our flag di nya alam hitsura…tsk tsk… kya nga before we post, think first.”

“Ha ha ha tuliro na yong future 1st lady”

“Yan ang magiging 1st Lady?”

“Flag palang nang sariling Bayan dipa alam”

“Simpleng flag nagkakamali kana agad..bagay na hindi dapat minamali”

“Tapos mag presidente asawa mo?”

“Nakita siguro may tatsulok eh akala Flag na nya, napakaraming flags na magkakamukha.”

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: