Toni Gonzaga, umani ng papuri matapos ang interview kay Herlene “Hipon” Budol

Umani ng papuri ang TV host-actress na si Toni Gonzaga matapos mag-viral ang interview niya sa dating Wowowin co-host na si Herlen Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl.”

Nagdesisyon kasi si Toni na ibigay kay Herlen ang lahat ng kikitain ng nasabing vlog.

Sa nasabing interview, ibinahagi ni Herlene ang nararanasang kahirapan ngayong panahon ng pandemya.

Ikinuwento niya na nahihirapan siyang makakuha ng raket o pagkakakitaan dahil sa pandemya.

Dalawang taon din siyang naging bahagi ng GMA-7 show na Wowowin bago nagkaroon ng pandemya.

Dahil sa pagpasok ng pandemya, pansamantalang itinigil ang live shows kung kaya’t isa si Herlene sa mga naapektuhan.

Mayroon naman daw siyang kaunting ipon ngunit naubos na rin dahil sinusuportahan din niya ang kanyang pamilya.

Marami ang naantig sa ibinahagi ni Herlene at hinangaan ng netizens ang kanyang pagkakatotoo.

Sa dulo ng vlog ay makikita ang isang mensahe na mas lalong ikinaantig ng damdamin ng netizens.

“Proceeds of this vlog will all go to Herlene.”

Dahil dito, umani ng paghanga at papuri ng netizens si Toni.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“I admire toni’s big heart and I feel sorry for what hipon is going through right now but there are a lot out there more deserving of help than her. Yes, I wish hipon well, I pray she gets back in her feet soon but that huge amount toni gave her is a big help to many who are badly affected by the pandemic and who have literally no food on their table and who got no cents to buy their medicines. Just sayin'”

“GONZAGA siblings truly enthralled a “huge HEART”. Ang bait lang nila, talaga!”

“While watching naisip ko na namaawain at matulungin yan si Toni G. And sabi ko tutulungan niya yan si Hipon. Hindi ako nagkamali. Why not tulungan basta bukal sa loob. I love u Toni G. NakapaHumble mo talaga.. God bless you”

“Toni has a bigheart and selfless and i think she is the right person To talk to. Hope to have a friend like her bcoz most of my friends are Not good listener and toxic.”

“Sure tuwang tuwa sayo c Lord sa pagtulong mo sa katulad mong artista na nakakadanas ngkagipitan .ipagpatuloy mo toni angmagandang gawain walsng pnghihinayang at walang pag aalinlangan dahil sa gawang kabutihan .ang pagtulong sa kapwa ay tunay na Diyos mo ginawa…Godbless you toni Gonzaga higitpasaitinulong mo ang babalik sayo”

“million ang kikitain for sure sa vlog na yan … ang laking tulong ky Ms Harleen para makapag umpisa… God bless u more Ms Toni”

“Every person has their own style/way of helping their fellowmen. Parang si Angel Locsin, madami din natutulungan. That’s Toni’s way of helping Harlene.. so be it..”

“Miss hipon magpasalamat ka kay lord dahil sya gumamit kay tony para makapag simula kang muli,sana aral n yan sa yo,matuto tayong maghigpit ng sinturon,turuan mo silang mag hanap buhay basta marangal,wag puro asa sa iyo,mahiya nmam cla”

Panoorin ang nasabing vlog dito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: