Pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang gold medal ng Pilipinas mula sa Olympics, umani ng papuri

Nagdiwang ang buong bansa matapos makasungkit ng pinakaunang gintong medalya mula sa Olympics ang Pilipinas sa pamamagitan ni Hidilyn Diaz.

Ang makasaysayang pagkapanalo ay nagawa ni Hidilyn sa larangan ng weighlifting sa Tokyo 2020 Olympics.

 

Dahil sa nasabing pagkapanalo, unang beses ding pinatugtog ang ating pambansang awit sa Olympics.

Hindi napigilan ni Hidilyn ang maging emosyonal habang nakasaludo sa watawat ng Pilipinas habang pinapatugtog ang Lupang Hinirang.

Agad na bumaha ng pagbati kay Hidilyn sa social media.

Mabilis ding naging trending topic sa Twitter Philippines ang pangalan ni Hidilyn.

Narito ang ilang tweets ng netizens hinggil sa makasaysayang pagkapanalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: