Herlene “Hipon” Budol, umani ng papuri ng netizens matapos magpakatotoo sa interview ni Toni Gonzaga

Umani ng paghanga ng netizens ang dating Wowowin co-host na si Herlene Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ matapos ang isang interview.

Siya ang naging guest ni TV host-actress Toni Gonzaga sa YouTube channel nito na Toni Talks.

Sa nasabing interview ay buong pagpapakatotoong ibinahagi ni Herlene ang pinagdadaanang paghihirap ngayong panahon ng pandemya.

“Back to zero kami. Walang-wala na talaga.”

Ito ang naging paglalarawan ni Herlene sa buhay niya ngayon na aminadong nahihirapan sa pagkakakitaan.

“Wala po talaga akong pinagkukunan… ‘Pag may raket po, nagpapa-post, ‘yung ganun, nagpapa-TikTok. Doon na lang po ako bumabawi, kasi ‘pag wala po ‘yun, wala po akong pagkukunan.”

Mabilis na naging trending ang nasabing panayam.

As of this writing, #1 trending na ito sa YouTube at mayroon nang mahigit 2 million views.

Ikinatuwa ng mga netizens na ang kikitain ng nasabing video ay mapupunta lahat kay Herlene bilang tulong na rin ni Toni.

Sa Facebook page ni Herlene ay ibinahagi niya ang link ng video at sinabing ang kikitain mula dito ay pampagawa ng bubong ng kanilang bahay.

“Pakipanood po ang Toni talks Ang kikitain po neto ay pang papagawa po ng bubong namin.”

Agad namang umani ng papuri si Herlene sa pagpapakatotoo niya sa nasabing interview.

Narito ang ilang komento ng netizens (published as is).

“Mas malalim ang lungkot ng mga taong masayahin, nakakatuwa ka napaka strong mo”

“Stay humble at maging totoo ka palagi sa iyong sarili.,kaya naman mas lalo ka naming hahangaan.Sanay maraming opportunity pa po ang dumating sayo.”

“napakabuti mong tao lalo na sa pamilya mo. God bless you po.”

“Sobrang totoo Kang tao kng magsalita walang halong kaartehan natural na natural…..Ilan beses ko pinanood…God Bless you more”

“Hopefully maayos mo na yung youtube account mo para mgkaroon ka ng ads kasi po wla mga ads..pra mka pg earn ka…sana makuha mo you youtube button pg nka 1million subscriber!”

“I so feel you sis. Think Positive always. Be grateful sa mga taong tumutulong sayo. i wish and pray na maging maayos kayo ng family mo. God bless you”

“Miss Herlene kapit lang kay Lord mas malaking blessings ang dadating sau..Dont lose hope mas pagtibayin mo faith mo sa God..And keep on mabuting tao bubuhos ang blessings sau..”

“Grabe sobrang naiyak ako dun. Napaka great pretender niyo po ate hipon.”

“Laban lng idol hipon kaya mo yan hindi ka pababayan ni God basta pray ka lang Godbless.”

“Stay humble, and down to earth… think positive lang po, d man sa ngyon pero someday mgging ok din lahat, pray lang bbigay din nya sayo yung carrer na gusto mo.”

“Napaiyak mo ako sa kwento mo sis. Laban lang sa buhay wag tayong mawalan ng pag asa para sa pamilya. ,godbless you always”

“Why I love Ate Herlene? Ang totoo niya sa buhay, Hindi niya kinahihiya ‘yong mga bagay na wala sa kaniya bagkus paghihirapan niya ito para makuha. Lagi akong may natutunan sa mga vlogs niya.”

“Ramdam kita girl, bata ka pa maraming pang pagkakataon na magbago takbo ng buhay mo , kung ngayon nasa baba ka pa at ramdam mo pa ang kawalan , isang araw gugulat ka nalang ibinigay na sayo Ni God masaganang simpleng buhay na gusto mo para sa mga mahal mo.”

“Nakakaiyak na naman tong episode na to, pag kasi family oriented ka talaga kahit pagod ka na ipipilit na ipipilit mo pa din iparanas sa pamilya mo kaginhawaan kahit pagod ka na, kasi at the end makita mong masaya sila napapawi lahat ng pagod sa naging pagsasakripisyu mo… kudos kay ate toni sa pagtulong , para nyo na syang bunso ni ate alex… Godbless you more 🤩”

Panoorin ang nasabing vlog dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: