Rudy Baldwin, nag-trending sa Twitter kasunod ng paglindol sa Batangas at mga kalapit-probinsya

Mabilis na nag-trending sa Twitter ang pangalan ng sikat na Filipino psychic at visionary na si Rudy Baldwin kasunod ng paglindol na naramdaman sa Batangas at mga kalapit-probinsya.

Naiulat ng PHILVOCS ang magnitude 6.7 na lindol sa Calatagan, Batangas 4:49 AM ngayong araw, July 24.

Nasundan ito ng aftershock na magnitude 5.1.

Mabilis na napasama sa top trends sa Twitter ang mga topics na may kinalaman sa naramdamang lindol.

Kabilang dito ang #EarthquakePH, #lindol, Calatagan, Batangas, magnitude 6.7, at iba pa.

Kapansin-pansin na kasama rin sa trending topics ang pangalan ng kilalang psychic.

Maraming netizens kasi ang agad na nag-tweet at nakaalala sa isa sa mga Facebook posts ni Baldwin.

Narito ang laman ng kanyang post noong July 22 (published as is).

“(LAHAT NG ITO AY MANGYAYARI PA LAMANG .BASAHIN AT UNAWAIN ANG AKING POST NG MABUTI)JULY 22:2021 IPAALALA KO SA LAHAT NA ANG PAGE KO AT NASA 3.9M PLUS OF FOLLOWERS AT 3.6M PLUS OF LIKES.#QUIAPO VISION

“ME TATLONG LINDOL NA TATAMA SA MANILA O METRO MANILA .

“MAGING MAINGAT DAHIL ITO SA VISION KO AY BIGLA BIGLA ANG PAGYANIG NITO NAE BAHAY AKONG NAKITA NA MAPINSALA NA HARAP LANG NG KALSADA .KUNG ITO AY HINDI MAAGAPAN ME BUHAY AKONG NAKIKITA NAAWALA.

“MALIBAN SA BAGYONG FABIAN ME ISANG BAGYO NA TATAMA SA MANILA O METRO MANILA NA MALAKAS AT KAHIT HAMPAS NG HANGIN AT NAPAKALAKAS NGUNIT SA LUGAR NG QUIAPO AT MGA KABAHAYAN AY ME NAKITA AKONG GUMUHO AT MATINDI ANG PINSALA .

“MAS HIGIT ANG QUIAPO ,ANG MARAMING PINSALA KESA LUGAR NG MARIKINA .LUMUBOGAN ANG MARIKINA NGUNIT SA ISANG LUGAR NG QUIAPO MATINDI ANG PINSALA NA NATAMO KAHIT PAG GUHO NG BAHAGI NG KALSADA AY NANGYARI.NAKIKITA KO NA ME MGA BUHAY NA NASAYANG SA BIGLAANG PANGYAYARI NA GAWA NG KALIKASAN.

“ANG MARIKINA AY LULUBOG MAN SA BAHA NA KAHIT MAPUTIK KUNG PAGMASDAN KO HINDI GAANO ANG NAPINSALA NGUNIT SA QUIAPO AY MAS MATINDI MGA LUGAR AT BAHAY NA KUNG SAAN MADALING MASIRA.LAHAT NG ITO AY MANGYAYARI PA LAMANG .MAGING MAINGAT AT HUWAG KALIMUTAN ANG MANALANGIN PALAGI.”

Dahil sa nasabing post, maraming netizens ang agad na nag-react sa sinabi niyang “tatlong lindol na tatama sa Manila o Metro Manila.”

Narito ang ilang tweets ng mga netizens.

Bisitahin ang nasabing post ni Baldwin dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: