Usap-usapan ngayon sa social media ang kwento ng isang lolo na may nakakapanghinayang na karanasan.
Sa Facebook post ng GMA-7 show na “Kapuso Mo, Jessica Soho”, ibinahagi nila ang kwento ni Lolo Adonis.
Ayon sa kwento niya, sinubukan daw niyang makapag-ipon ng pera mula sa pagiging delivery man ng yelo.
“Sa kinikita ko sa ice delivery, nagtatabi ako paunti-unti.
“Pang-emergency ba.
“Binabalot ko sa plastic tapos nilalagay ko sa cabinet. Wala naman kasi akong ibang mapaglalagyan.”
“Nito lang, naglinis ako ng cabinet, may mga nakita akong anay. Kaya binaba ko lahat ng damit ko.
“Doon ko na kita na pati ‘yung ipon ko, puro inanay na rin!
“Almost P50,000 ‘yun!”
Sinubukan na raw niyang magpunta sa bangko para ipapalit ito ngunit wala raw nangyari.
“Tatlong beses akong nagbalik-balik sa bangko, para mapalitan pero wala pa rin.
“Naisip ko, ‘Wala na ‘to. Hindi na maibabalik sa akin ‘tong perang buo.’
“Nanghihinayang po ako. Kasi siyempre pinagpawisan ko po ‘yun eh.”
Agad na umani ng reaksiyon mula sa netizens ang nasabing post.
“Wag kang mag alala lolo, papalitan yan ng #BSP, sa mga nandito po, pakiusap po na tulungan me na makiusap sa #BSP, salamat po! Huwag na sana sa mayor o kay Tulfo, diretso na sana sa #BSP. Salamat po uli!”
“Pwede kayong pumunta or lumapit sa LBP or kahit anong banks at humingi ng tulong ipa change yung nasira na bills, may basehan po kung tatanggapin pa yung bill, yung hindi masyadog punit at may makikita pang important details para mapalitan pwede po yan. LBP/other banks na din makikipag coordinate sa BSP, sayang po yung naipon ni Tatay.”
“Ang alam ko po kapag may serial number pa po ang papel na pera ay maaaring pa pong mapalitan yan, pero kailangan pupunta po kayo sa Bank of Central. Dito po sa Japan kahit punit-punit na po ang perang papel as long may serial number ay tinatanggap po kahit saan gamitin na pambayad. Pero siguro mas maganda po yatang lumapit po sa Wanted sa Radio si Sir Idol Raffy Tulfo at makahingi ng tulong, Tay!”
“Sana mapalitan yan. Pede ata yan sa banko sentral. Wawa naman si lolo. Tinipid sarili makaipon lang. Tapos naunahan ng anay.”
“Paano po kaya sya tulungan at ng mapalitan po ang kanyang pinagpaguran dugo’t pawis po ang pera n yan.. pg nag sama sam tayo ito mtulungan natin si tatay. Pero sana mapalitan ng bangko yan..”
Samantala, isang netizen ang nagkomento at nagtanong kung paano niya mako-contact ang matanda para mapalitan ang inanay nitong pera.
“Paano ko siya ma ccontact palitan ko ng 50k yung inanay niyang ipon ni tatay”
Ikinatuwa naman ito ng mga netizens at umaasang sana nga ay magawan ng paraan ang pag-contact sa matanda para maipaabot ang naturang tulong.