Food delivery rider na ninakawan ng bike sa viral video, dinagsa ng tulong

Dinagsa ng tulong mula sa netizens ang isang babaeng food delivery rider na nakuhanan sa isang video na nag-viral sa social media kamakailan.

Sa nasabing video, makikita ang delivery rider na si Mary Rose Barboza na halos maglulupasay sa kalsada matapos niyang madiskubre na nawawala ang kanyang bisikleta na ginagamit sa paghahanapbuhay.

Agad na nag-viral ang nasabing video na ini-upload ng Facebook page na Riders Frontliners Spotted.

Sa nasabing post, inihingi nila ng tulong ang lady delivery rider.

“Siya po si Mary Rose Barboza isang lady grab / panda biker mula sa Manila siya po ay nanakawan ng bike kahapon habang nasa duty bilang isang panda biker baka may gustong mag paabot ng konting tulong sa kanya upang makapag simula ulit makabyahe.”

Mabilis namang kumalat sa social media ang nasabing video.

Karamihan sa mga netizens na nagkomento ay nagpahayag ng simpatiya kay Mary Rose na nagtatrabaho nang maayos at marangal.

Matapos mag-viral ang nasabing video, dumagsa ang taong nais magpahatid ng tulong sa kanya.

At sa ilang larawan nga na ini-upload mismo ni Mary Grace sa kanyang Facebook account, makikita ang iba’t ibang tulong na nakarating sa kanya mula sa mga netizens.

Nagpasalamat siya sa lahat ng tumulong sa kanya.

“Maraming salamat po sa mga nag bigay po ng tulong sakin na si sir Matt Reymtias ng maginhawa bikeshop at kay sir Benjohn Consolacion ng goldspeed8 at kay sir @austinthomas Kay sir maki bago na nag padala po ng 25kl ng bgas at cash po❤❤❤

“And lalong lalo na po kay ate na nag video po sa tiktok gusto ko sana maka usap ka maam para mag pasalamat sa pag kuha ng video kaso po nka private kau😔pero thank u so much po tlga maam❤❤

“At kay sir boy pitik ng Riders Frontliners Spotted dahil sa pag post ng video ko na naging daan po para matulungan ako ng ibang tao..AGAIN MARAMING MARAMING SALAMAT PO  SA INYO

“at sa mga  nag papadala sakin Ng ibang pang bagay sobrang salamat po

“MARAMING SALAMAT DIN PO SA MGA NAG SHARE AT NAG TAG SA VIDEO PO❤❤❤

“Alam po nilang may nag bigay na ng bike sakin pero cla po ang my Gustong mag bigay po ulit”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: