Angel Locsin, nagsalita na tungkol sa mga panlalait sa kanyang ‘weight gain’

Nagsalita na si Angel Locsin tungkol sa pang-iintriga tungkol sa kanyang weight gain.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nag-viral sa social media ang ilang larawan ng aktres kung saan kapansin-pansin na nadagdagan ang kanyang timbang.

Dahil dito, ilang beses ding naging biktima ng body shaming ang aktres.

Nagingkontrobersiyal din noon ang isang module ng Department of Education kung saan naging sentro ng diskriminasyon si Angel dahil sa pangangatawan nito.

Sa kabila ng lahat ng ito, mas pinili ni Angel na wag na lamang pagtuonan ng pansin ang pamimintas at pang-aalipusta sa kanya.

Kamakailan ay sinagot na ni Angel sa isang panayam ang mga bashers na pumupuna sa kanyang pangangatawan.

“Hindi ako nagsasalita kasi, parang ano ang sasabihin ko, iyon yung opinyon sa sarili ko?

“Totoo naman, mataba naman talaga ako.

“Pero di naman masusukat nun kung sino ako.”

Nang mag-viral daw ang kanyang mga larawan, napaisip siya kung bakit naging big deal para sa ilan ang kanyang pagtaba.

“Totoo nga, ‘no? Andami nilang opinyon tungkol sa sarili ko.

“I cannot control how other people think, pero hindi yun sukatan kung mababawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko.”

“Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan…

“Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve.

“Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin.

“Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, really grateful.”

Ayon pa kay Angel, tanggap naman niya ang pagtaba niya at hindi siya apektado sa pamimintas ng iba.

 

“I’m a work in progress. Kung hindi kayo natutuwa sa sarili ko, well, I’m sorry to hear that.

“But natutuwa pa naman ako sa sarili ko and I know ang kaya kong ibigay…

“And tanggap ko, I’m a work in progress.

“Alam ko naman ‘yon, e. Lahat naman tayo.

“Maganda ‘yon because there is room for improvement, di ba?”

Kamakailan din ay ibinahagi niya sa kanyang social media accounts ang pagsisimula ng kanyang pagda-diet.

Nilinaw niyang hindi ito para sa vanity o itsura.

“For my health talaga. For my health lang talaga.

“Nakikita natin yung blood pressure natin. So, yung sa ‘kin mataas, mataas siya.

“Kaya kailangan ko siyang pagtuunan ng pansin.

“It’s not really for vanity. Siguro bonus na lang din ‘yon.

“Pero hinahabol natin yung importante, yung health, di ba? Alagaan natin sarili natin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!