Food delivery rider, napalupasay sa kalsada matapos manakawan ng bisikleta na gamit sa trabaho

Viral ngayon sa social media ang isang video ng babaeng food delivery rider na nanakawan ng bisikleta na ginagamit nito sa pagtatrabaho.

Sa video na ini-upload ng Facebook page na Riders Frontliners Spotted, makikita ang isang babae na nakaupo sa kalsada at halos maglulupasay dahil sa pagkawala ng bisikleta.

Sa caption ng nasabing post, ihinihingi ng tulong sa netizens ang nasabing rider na nabiktima ng masasamang loob.

“Siya po si Mary Rose Barboza isang lady grab / panda biker mula sa Manila siya po ay nanakawan ng bike kahapon habang nasa duty bilang isang panda biker.

“baka may gustong mag paabot ng konting tulong sa kanya upang makapag simula ulit makabyahe”

Agad na nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens (published as is).

“Kung sino pa ang lumalaban ng marangal at patas, yun pa ang napeperwisyo.”

“Halang talaga ang kalul*wa ng mga taong puro panlalamang sa kapwa ang alam.”

“Naiiyak ako sa naging reaksiyon ni ate. Sobra naman yung gumawa nyan.”

“sa nagnakaw ng bike ni ate mahiya k nmn naghahanap buhay ng parehas tas kau pagnan*kaw inaatupag nyo🤬🤬🤬k*rmahin k mas malma mangyayari sau”

“Sobrang naiiyak at naawa ako Kay ate lumalaban Ng patas tpos nan*kawin Ang bike dapat p*t*lan Ng kamay gumagawa Ng ganyan”

“Dapat kada mahuhuling magnan*kaw ng motor o bike put*lan ng paa”

“Naiyak ako… Bilang Tao lahat tayo nag sisikap hindi lang para sa sarili natn. Para din ito sa mga mahal natin nag sasakripisyo na papagod nag susumikap sa kabila ng delkadong panahon.”

“T*ngna tlaga mga magnnakaw wala n tlaga kaung bilang s mundo dapat lang talga sainyo pag nhhuli kau wag ng paabotin pa s pulis nkkaawa lang mga nbbiktima sna matulongan c paps”

“Kung sino pa yung lumalaban ng patas yun pa pinipirwisyo ng mga batugan na walang ibang alam gawin ay magnakaw at manlamang sa kapwa.”

“Lumalaban ung tao ng patas at nagsusumikap sa buhay..Dapat mabigyan hustisya.”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: