Jay R, nag-react sa kissing scene ng asawang si Mika Javier at Gerald Anderson

Ibinahagi ng OPM singer na si Jay R ang naging reaksiyon niya sa kissing scene sa pagitanng asawang si Mika Javier at Gerald Anderson.

Kasama ang kanyang misis sa ABS-CBN primetime drama na “Init sa Magdamag” na pinagbibidahan nina Gerald, JM De Guzman, at Yam Concepcion.

Sa interview ni Jay R sa Kapamilya Chat, game na ibinahagi ng singer ang kanyang naging reaksiyon.

“What? What is happening? What is going on? I hope you brushed your teeth after that. I hope you ate a mint.”

Nang tanungin ang kanyang reaksyion pagkatapos mapanood ang eksena, ito naman ang naging sagot ng singer.

“It was cool. Okay lang naman. Reaction? It looked, parang hindi nagtagpo, ‘di ba? Parang, okay lang sa akin. Chill lang.”

Ibinahagi naman ng kanyang misis na si Mika ang pagiging transparent niya sa asawa pagdating sa mga eksena niya sa nasabing serye.

“Of course, sinasabi ko kay Jay R. Lagi kong kinukuwento. ‘I have a love scene na naman or dinagdagan nila ‘yung eksena kinailangan kong gawin ito.’

“Kinukuwento ko lahat para transparent, para alam niya kung ano ang nangyayari. Kasi lalabas rin ito sa YouTube or kung saan siya ie-ere. So makikita rin niya or makikita rin sa social media.”

Maging ang mga netizens ay nag-react sa nasabing eksena at sa naging reaksiyon dito ni Jay R.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Budoy strike again 🤣🤣🤣 May masisirang relasyon nanaman .”

“Hindi ako matatakot ma agaw dahil hindi naman model ng shampoo ang asawa ko.”

“Model ba ng shampoo ung misis ni JR?”

“Mild kiss lang yan baka nasa paligid lang jowa ni Gerard..”

“kung hindi nman shampoo 🧴 💆‍♀️ model ang misis mo ay wag nman kabahan 😂

“Pag naging endorser yan ng shampoo maging alerto ka na jay-r.”

“ok lang yan!!relax lang at hinde naman model yan ng shampoo”

“Nakuuu, sa ganyan nagsisimula yun. Haha”

“Halata namang peke yung kissing scene. Walang dapat ikabahala.”

“Dapat na rin bang kabahan si JB?”

“Di naman model ng shampoo ang asawa mo, oks lang yan.”

“Safe na safe si Mika kasi hindi siya shampoo model. Hahaha”

Panoorin ang nasabing eksena dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: