Isang pulis sa Zamboaga City ang inakusahan ng isang babae na nanghingi umano ng number niya at nagpumilit pang ihatid siya sa kanilang bahay.
Ayon pa sa babae, nangyari umano ito nang mahuli siya sa pagmamaneho nang walang lisensiya.
Tinanggihan daw niya ang alok ng pulis kahit na pogi ito.
Itinanggi naman ito ng pulis at sinabing walang nangyaring ganoon at hindi naman sila nagkita ng nasabing babae.
Kalaunan ay humingi rin ng paumanhin ang babae at sinabing gawa-gawa lamang niya ang pag-aakusa sa pulis.
Idinaan naman sa isang Facebook post ng pulis na si Yaz Sera Ayaz ang pasasalamat na humingi na ng tawad ang babae at nilinis na nito ang kanyang pangalan.
“Unang una sa lahat, maraming salamat po sayo at sa pag hinge ng tawad, sa pag amin sa nagawa mong pag kakamali.
“Bilang isang tao, hinde po tayo perpekto at lahat po tayo ay nag kakamali.
“Pero ang mahalaga po ay marunong tayong tumanggap ng pag kakamali, humingih ng patawad at mag pa kumbabah.🤗”
“Sa parte ko, pasensya na rin kung naapektuhan ka, ang iyong pamilya, kamag-anak, kaibigan at katrabaho mo sa mga negatibong komento sa social media.
“Hindi kailan man magiging solusyon ang masasamang salita para maitama ang isang pagkakamali.😪
“Ang tanging magagawa nalang natin ay itama ang pag kakamali.
“Taos puso kong tinatanggap ang iyong pag hinge ng kapatawaran.
“Sana ay may magandang leksyon tayong makuha para sa ikaka buti natin.
“Ang mahalaga po ay tinama mo ang iyong pag kakamali at higit sa lahat, pinatunayan mo lang na sa kabila ng nagawa mong pag kakamali ay may lakas ka ng loob at handa mo etong itama😍.”
“Pilipino tayo, taga Zamboanga ako, dito na ako lumaki at ang lahat ng tao dito ay maituturing ko nang pamilya.🇵🇭
“Pasensya na sayo at sa pamilya mo po, sa mga anak mo. Hayaan mo pag nagkita tayo o magkasalubong handa akong tulungan ka sa abot ng aking makakaya at yung naayon sa batas.
“Basta siguraduhin mo lang na mag susuot ka ng face mask at face shield.
“Mag-kaisa tayong lahat para labanan ang pandemya. Naniniwala akong walang imposible sa ating mga pinoy pag tayo ay sama-sama at nag-kakaisa.😎”
Ibinahagi rin niya ang screenshot ng post ng babae na nangihingi ng tawad sa kanya.
Maging aral sana ito sa lahat na walang magandang idudulot ang pag-iimbento ng kuwento tungkol sa ating kapwa.