Pahayag ni Robin Padilla tungkol sa tukso, umani ng batikos mula sa netizens

Kinumpirma ni Robin Padilla na hiwalay na ang anak nitong si Kylie Padilla at asawang si Aljur Abrenica.

Nang malaman daw niya ito, ang unang naging tanong niya sa anak ay kung sinaktan ito nang pisikal ng asawa.

Itinanggi naman daw ito ng anak at sinabing ito pa ang nakipaghiwalay kay Aljur.

“‘Yon ang unang tanong. Doon lang naman tayo papasok kapag nasaktan ang anak mo.”

Sa panayam ni Ogie Diaz, inamin ni Robin na nasaktan siya ngunit wala naman siyang magagawa dahil away-mag-asawa iyon.

“Walang pwedeng umayos niyan kundi ‘yung dalawa kasi makikialam tayo, pipilitin natin ‘yung dalawa. Magsasama ngayon ‘yung dalawa dahil sa atin.”

Kinumpirma rin ni Robin ang pagkakaroon ng third party sa hiwalayan ng dalawa.

“Kaya lang, hindi na uso mga martir ngayon. Tanggapin natin, wala na tayo dun. Kasi yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie nung nag-usap kami. ‘Lalaki iyang asawa mo. Pasalamat ka nga, anak mo, lalaki.’

“Eh wala, hindi raw niya kaya. OK.”

“Kasi sa panahon ngayon, ‘wag tayong maglokohan. Panahon ngayon, ‘di ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso.”

Mabilis na kumalat ang nasabing pahayag sa social media at naging dahilan para umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

Binatikos ng marami ang tila pagtatanggol pa ni Robin tungkol sa pambababae ng asawa ng anak.

Narito ang ilang tweets ng netizens tungkol sa issue.

Para sa karamihan ng nagkomento, hindi tamang ipagtanggol o gamiting katwiran ang tukso para maging ‘excuse’ sa pambababae.

“Tama ba nabasa ko at sobrang nakakabother yang mentality ni Robin. Cheating will never be justified even if you’re a man. Kapag na isip mong magcheat, ibig sabihin you have no respect sa partner mo and that’s simple as that. Hindi nature ng lalaki magcheat, nasa utak mo yan”

“Anong klaseng ama ba to, instead na pagsabihan niya mas lalo niyang pinalala tinolerate niya si Aljur sa pag cheat di man lang niya inisip angha apo at anak niya”

“Mahina ang foundation pag ang lalake HINDI MAKATANGGI sa tukso! Kung talagang mahal ka ng lalake, kahit pa may maghubad na babae sa harap niya, hindi niya papansinin. Sasabihin pa niya, “pwede ba? May asawang tao ako? Lumayo ka nga!”

“there u go folks robin padilla confirmed men are naturally disgusting”

“Cheating is and would never be justified no matter the sexuality, gender, race or by anything at all.”

“the way this dumbf*ck justified cheating and defended the cheater when his DAUGHTER was the one cheated on baffles me.. why do m3n”

“Ugh please stop justifying cheating. sure anyone can be tempted, but it’s still a choice how you respond to that temptation. And yes there are people who can still choose to do what is right.”

“aaa so cheating is normal now?? wtf is this mindset and to think you’re his father lol”

“disgusting! your daughter literally got cheated on tf shitty mindset u got and oh the misogyny literal na fucked up ka!”

“if we choose to accept this statement as truth, then we will all agree that men are no greater than pigs who lack the higher order thinking skills necessary to keep their junk in their pants”

“Welcome to Philippines’ entertainment! What a shitty father. Defending his daughters’ cheater of a husband. Oh well, birds of the same feather flock together.”

“And the fact that he even justified his son-in-law’s actions speaks a lot about the internalized misogyny among men in the Philippines.”

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: