Ilang netizens, nainggit sa babaeng inalalayan ni Richard Gomez habang nagpapabakuna

Dinagsa ng mga nakakaaliw na comments ang isang Facebook post ni Ormoc Mayor Richard Gomez.

Ibinahagi niya kasi ang mga larawan na kuha sa isang vaccination center.

Makikita sa larawan na hawak-hawak niya ang kamay ng isang babae habang binabakunahan ito.

PHOTO: Facebook | Richard Gomez

Aniya sa caption ng post:

“There was this lady at the vaccination area inside the Superdome who was very scared and nervous just before getting her jab.

“I asked her if it would help calm down if I held her hand while getting injected.

“She said yes.

“Naluoy ko, hugot intawon kaayo iya pagpislit sa ako kamot.”

PHOTO: Facebook | Richard Gomez

Maraming netiens tuloy ang nag-comment at pabirong nagsabi na naiinggit sila sa babae.

Narito ang komento ng ilang netizens (published as is).

“Mas matakot ka kay Lucy Torres! Hahaha!”

“Sana all may ka-holding hands habang nagpapa-injection.”

“Pwede rin kayang ganito kay Mayor Vico Sotto?”

“Pwede bang magpabakuna nang paulit-ulit? Kasi kung pwede, uulit ako basta andun si mayor.”

“Nakoooo. Si ate, para-paraan. Char lang! Hahaha!”

“Mga mars, tara nang pumila. Basta andun si mayor, go tayo agad!”

“Saan ba ang dulo ng pila? Makapila na nga!”

“May libreng holding hands at akbay? Hala! Bakit nung ako, walang ganyan!”

“Nadaya yata ako. Pwede pala ang ganyan. Kung alam ko lang.”

“Mayor, i advance call na po kita..2nd dose ko sa July 12 baka naman pwde mo rin ako i hug..kabado rin eh.”

“Kahit ako naman po siguro makakalma kung kayo po kaharap ko😁”

“Sana all kahit taga Manila ako 🤣”

“Ako din Mayor Richard baka po pwede dyan na lng po ako magpavaccine ng 2nd dose 😀”

“Mayor, pwede po bang 3rd dose? Lol”

“Mars, saan ba ang dulo ng pila?”

“Mayor, ako din po turukan mo. Ay, hawakan ang kamay pala.”

“Mayor, kanino po pwedeng ibigay ang schedule ko? Ipapaalam ko na habang maaga para hawakan mo din ako. Char. Haha”

“Pwede bang dumayo sa ibang LGU? Parang mas gusto ko sa Ormoc.”

“Mayor Vico, beke nemen pwedeng gayahin ito sa Pasig. HAHAHA”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: