Tricycle driver, inatake sa puso matapos posasan ng isang traffic enforcer

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan nakuhanan ang insidente ng panghuhuli ng traffic enforcer sa isang tricycle driver sa Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan.

Sa post ng Facebook page na Striker News TV, ibinahagi ang ilang detalye ng nasabing pangyayari.

Narito ang caption ng nasabing post:

“Hindi makatarungan ang malupit na panghuhuli ng mga Traffic Enforcer sa Barangay Cayombo na naging sanhi ng kamatayan ng nahuli nilang walang helmet at alang lisensya.

“Dahil lang sa hindi pumayag ang driver ng motorsiklo na kuhanin ng enforcer ang kanyang motor para dalin sa inpounding ay agad ng pinosas ang driver? Kriminal ba at kailangan posasan kaagad-agad?”

“Dapat ay magsilbing aral ito sa abusadong mga traffic enforcer sa naturang barangay dahil matagal ng nagmamalabis sa motorcycle rider ang mga ito na walang puso sa kapwa nila na ang mahalaga lamang ay makahuli sila at hindi mapakiusapan kahit na nagmamakaawa ang driver.”

Agad nag-viral ang nasabing post at umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Nakapadami ng reklamo dati pa sa mga enforcers ng caypombo pero lalakas ng loob kasi nakakaduty parin kahit na may kaso at may mga reklamo. Tinatakpan din ng barangay mga pangyayare.”

“Kung makaarte kasi mga enforcer dyan, kala nila EDSA ang caypombo.”

“Sa Sta. Maria, Caypombo talaga kami iwas na mga taga Bocaue. Dahil nga sa mga enforcer. Kahit kumpleto papeles, lisensya, syempre di maiiwasan magkamali minsan pero yang mga yan di talaga mapapakiusapan, ticket talaga o impound.”

“Pag nagaya sa meycauyan inforcer yang mga yan titino yan.dalawang inforcer pinag babaril dun kasi marami ng na perwisyo.”

“Dapat yang mga yan ALISIN n lng. S opinion ko dagdag pasahod pa kau tapos GNYAN nyo kung itrato tao kala ko kung sino kau kung makaasta DAIG nyo pa mga pulis…”

“Bakit po ganyan ang pagtrato niyo sa mga rider. Traffic enforcer lamang po kayo ng brgy. Bukod tangi lang po kayo ang mga enforcer na parang walang puso kaya po cguro nangyari yan dahil sa sobrang higpit niyo eh”

“Dpat sa mga ganyan pinapatay na daig pa mga pulis mga pulis nag bibigay ng away sila nman trapik Lang ng posas papatay na sa taking labas yan”

“puk*ng ina nyo mang traffic enforcer ng caypombo..inatake na ung hinuli nyo wla pa kayong ginawang action..nakamatay kayo ng tao”

“Sa traffic enforcer ng caypombo, ok lang ho manghuli kayo pero kung inaanatake n yun huhulihin niyo sana naman naawa kayo pinosasan niyo pa. Ano ho ba yan criminal?”

“sana matuldukan na ang pang huhuli jan sa kanto ng caypombo”

“kase wala sa tama at abusado mga enforcer jan”

“Bkit my posas cla kc inforcer lng cla oo ginagawa nila trabaho nila pero prang sobra nmn yata ang kapangyarihan nila at my posas n talaga so ibig sbihin pulis nrin ang tingin nila s sarili nila kya masahol p s pulis ang asta nila”

“Mayabang talaga mga enforcer dyan kala mo kung sino.. minsan nag trip pa nga eh alam ng straight way ka papasukin ka sa loob ng caypombo”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: