CCTV footage ng pagkalunod ng isang lalaki matapos itulak ng kaibigan, nag-viral

Ikinasawi ng isang 24-anyos na lalaki ang pagkalunod nito sa natural hot spring sa Mariveles, Bataan.

Ayon sa ilang saksi, itinulak daw ang lalaki kaya ito nalunod.

“…Tiningnan namin yang review ng CCTV. Nakita nga namin na tinulak nga yung bata ng isang binata,” sabi ni Danilo Magat, deputy chief tanod ng Barangay Balon Anito.

At dahil malakas ang ulan, nahirapan sa pagsagip ang mga awtoridad.

Inabot ng dalawang oras bago nakuha ang bangkay ng binata.

Patuloy pa rin daw ang imbestigasyon para malaman kung may dapat panagutan ang lalaking nagtulak sa biktima na kaibigan pala nito.

Agad na nag-viral ang CCTV footage na kuha mula sa pinangyarihan ng insidente.

As of this writing, mayroon nang 48K views ang video na ini-upload ng Facebook page na Philippines CCTV & DASH CAM Spotted.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Kung titingnan mo tinulak nya kc uupo cya kung san nakatayo ung lalaki… ObOb literal ung lalaking nagtulak!”

“Dapat tlga ng pugutan este panagutan ng tumulak at mga nasa paligid walang pakiramdam”

“Dapat lang panagutan nya pagkatulak bale wala lang sa kanya ,umupo pa at di man lang tignan yong itinulak nya ,dapat yong mga nada paligid nagtaka na sila bakit di pa lumutang.”

“Syempre may pananagutan alangan naman na sabihin nyong aksidente ang nangyari,, halatang intentional ang pagkatulak”

“damay nanaman resort nito.😥🤔 dahil sa walang kwentang kaibigan.”

“Sabay upo at hindi man lang tiningnan…as per experience, dapat dahan dahan ka lang lulusong kapag hot spring hanggang mag-equalize ang body temp mo sa temp ng tubig. Ito nabigla ito kaya siguradong na-stroke to.”

“Wala man lng bng lookout o salbabida jn s pool resort n yan pra doon s di marunong lumangoy at pinulikat.”

“Yari..khit biro ..pg nkapatay my kaso ka at pananagutan..ano po mga atty…meron ba po?kasi pag wala po..pag tutulak ko na din tong mga mndarambong ng ayuda.. 😂😂😂 joke lng.”

“Malamang may pananagutan yan! Tinulak nya kaya aabangan nya pag ahon ng tinulak nya pero nagwalang bahala lang yung tumulak at imposible na hindi nya alam na hindi pa umaahon yung tinulak nya!”

“Dapat yung nagtulak ang makulongmparusahan kung hindi niya tinulak buhay pa sana yung tao.”

“Parang mga patay din ang mga nasa paligid na mga abnormal, wala man lang pakiramdan na di na umahon”

“nakakapag taka lang bakit walaan lang nag react? wala man lang tumulong?”

“gano ba kalalim yan? at bakit walang pakelam yung mga nakakita?”

Panoorin ang nasabing viral video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: