Lyca Gairanod, tinulungan ang isang matandang nakakasama niya sa pangangalakal ng basura noon

Usap-usapan ngayon sa social media ang latest vlog ni Lyca Gairanod kung saan ipinakita niya ang ginawang pagtulong sa isang lola na dating namumulot ng basura bilang kabuhayan.

Ayon kay Lyca, parang nakakasama at nakikita na niya dati ang matandang ito sa pangangalakal ng basura noon.

Matatandaang bago pa makasali at manalo sa The Voice Kids Philippines si Lyca noon, nagtatrabaho na ito sa murang edad bilang mangangalakal ng basura.

 

Naranasan din niya ang hirap ng araw-araw na pamumulot ng basura para lamang may maibenta sa junk shop at magkaroon ng perang panggastos sa pamilya.

At ngayong medyo nakakaangat na sa buhay, hindi pa rin niya nalilimutang balikan ang kanyang ‘humble beginnings.’

Sa katunayan, hindi niya ikinakahiya ang kanyang pinagmulan.

Sa nasabing vlog, muli niyang sinariwa ang mga karanasang iyon.

Kaya naman ramdam niya ang pinagdadaanan ng matandang kanyang tinulungan lalo na at wala naman itong ibang inaasahan sa buhay.

Sa panayam niya dito, nalaman niyang mahigit 30 taon na itong nangangalakal ng basura at kumikita lamang ng 20 hanggang 30 piso bawat araw.

Bilang tulong binigyan niya ang matanda ng grocery supplies gaya ng kape, gatas, de-lata, noodles, mga prutas, at iba pa.

Ikinatuwa ito ng kanyang mga tagahanga kaya naman bumuhos ang papuri sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtulong.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“nakakatuwa ka namn lyca alm mo parin tumingin sa pinang galingan mo na way pag nabigyan ka pa ng maraming blessing wag ka prin makakalimut tumulong god bless u always and ur family”

“Nakakaawa naman si Lola 😞 Sana maipa Check up din si Lola kanina pa nya sinasabi na masakit yung kabilang part ng katawan nya, kahit mabigyan lang siya ng mga gamot na pwedeng pangtanggal sa Pain na nararamdaman ng katawan nya😢🙏 May God protect you always Lola and Ms. Lyca. 🤍”

“we love u mis lyka.Lamu noon manalo ka sa the voice kids sa labis na katuwaan ay napa luha ako.kc makakatulong sa mga magulang mo ang pagka panalo mo.god bless u lykasana marami kapang matulongan na mga magigira”

“masaya ako para sa iyo Lyca kht wla kng shows sa mga big screen nakakatulong kpa din syo kapuwa…lalong lalo na kay lola ising…sana marami png blessings ang dumating syo..at sana din marami ka png matulungan…God bless Lyca…”

“Nakakaawa nman c lola… Habang nanonood ako napaiyak ako,, super bait nman ni lyca,sana wag ka magsawang tumulong kagaya ni lola ising,keep stay safe..god bless..ipag patuloy mo lang yan at maging mabuti sa kapwa..jesus is always there for you…❤️”

“mabait tlga si Lyca Gairanod di nkimutan tumulong sa lola ising na kailangan ng tulong pagpalain kyo ng may kapal keep stay safe healthy long life god bless us”

“Simula palang una kitang nakikitang kuma kanta sa the voice maiyak talaga ako, at lagi kitang pinag dasal, na ikaw laging mananalo hanggang dulo, kaya sobrang saya ko, God answer my prayer”

“sana ung mga ibang vlogger jan na million ang kinikita at inuubos lng sa mga luho sana ishare nyo nlng sa mga taong nangangailangan(opinion ko lng po)..si miss Lyca nggawa nyang tumulong khit di p ganun kyaman ang pamilya nya kya love ko yang batang yan love u lyca”

Panoorin ang vlog ni Lyca dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!