Maricel Soriano, ipinagtanggol ng mga netizens matapos ‘agawan’ ng titulong “Diamond Star”

Trending topic sa Twitter kahapon, July 6, ang tagline na “Diamond Star Maricel Soriano.”

Ito ay matapos dumagsa ang tweets ng netizens na nagtatanggol sa tinaguriang Diamond Star ng Philippine showbiz na si Maricel Soriano.

Nagsimula ang pagtatanggol na ito nang may lumutang na ilang tweets na tila may ibang artista na binabansagan ng mga fans nito bilang bago umanong “Diamond Star.”

Ayon kasi sa ilang fans ni Pinoy Big Brother (PBB) Connect 2nd Big Placer Andrea Abaya, si Andrea o Andi na raw ang bagong may hawak ng nasabing titulo.

Hindi ito nagustuhan ng mga tagahanga ni Maricel kung kaya’t ipinagtanggol nila ang totoong Diamond Star.

Narito ang ilan sa kanilang mga tweets.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: