Kasama na sa tradisyon nating mga Pinoy ang pagbibigay ng aguinaldo o pamasko sa ating mga inaanak tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
Kung noong mga panahon natin ay kuntento na tayo sa kahit na anong pamasko na inaabot ng ating mga ninong at ninang tuwing magmamano tayo sa kanila kapag araw ng Pasko, tila iba na talaga ang panahon ngayon.
Kagaya nitong kwento na naging viral sa Facebook na sa ngayon ay mayroon nang halos 30,000 shares at 2,000 comments.
Sa kwento ni Raevin Amante Bonifacio na ibinahagi niya sa pamamagitan ng screenshots ng conversation nila ng kaniyang kumare, masaya pa niyang bumati sa kumare at sinabihang papuntahin sa kanilang bahay ang kaniyang inaanak.
Nagpasalamat pa ang kaniyang kausap dahil hindi niya raw nalilimutan ang kaniyang inaanak.
Matapos ang ilang sandali at matapos makauwi ng inaanak niya, nag-message muli ang kaniyang kumare.
Sinabi nitong malungkot daw ang kaniyang inaanak.
Nang tanungin niya kung bakit, sinabi nitong malungkot ang bata dahil Php 250 lamang daw ang ibinigay niyang aguinaldo. May gusto raw sana itong bilhing laruan.
Dito na tila hindi napigil ni Raevin ang kaniyang sarili na mang-real talk sa kaniyang kumare.
Ang sabi niya:
Ay Sorry be!! hindi ko naman talaga siya inaanak diba? biglaan lang yung sinabi mo wala nga ako dun sa Papel nung bininyagan siya. turuan mo anak mo be na maging Thankful. Hindi nga pwede mamasko ngayon pero hindi ko sila kinalimutan! Bata palang DEMANDING NA!!!!!!
Dagdag pa niya:
Baka mamaya be yung Parents yung hindi masaya hindi yung bata ha? Charr!
Sa kaniyang Facebook post, pinaalahahanan niya ang lahat na turuan ang mga anak na maging mapagpasalamat sa lahat ng bagay kahit gaano man kaliit.
Mas masarap aniya sa pakiramdam iyong naaalala ng mga ninong at ninang ang kanilang mga inaanak taon-taon.
Ang mga ninong at ninang ay gabay lamang sa buhat at bonus na lamang ang mga regalo tuwing may okasyon gaya ng Pasko at birthday.
Narito ang kaniyang buong post:
please turuan niyo mga anak niyo maging thankful kahit sa maliit na Bagay lang Ang sarap kaya sa feeling na naalala yung mga anak kahit taon-taon!NINONG/NINANG kami para gumabay habang Lumalaki sila Bonus nalang yung mga Regalo every christmas at birthdays nila. Napakahirap ng buhay ngayong PANDEMIC ganyan pa! dati bente lang basta malutong happy na kami!Ps : di din ako sure kung yung bata ba malungkot o yung nanay!
Totoo nga naman na mas dapat turuan ang mga bata na maging thankful kahit sa mga malilit na blessings na natatanggap nila Pasko man o hindi.
Matututo tayong makuntento sa mga simpleng bagay lalo na sa ‘difficult time‘ na kagaya ng nararanasan natin ngayong panahon ng pandemya.
Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol dito?